Ice Seguerra, Liza Diño, Sylvia Sanchez mas pabobonggahin ang mga drag queen sa 2023

Ice Seguerra, Liza Diño, Sylvia Sanchez mas pabobonggahin ang mga drag queen sa 2023

Sylvia Sanchez, Divine Divas, Ice Seguerra at Liza Dino

ANG paboloso at bonggang-bonggang sining ng drag ay unti-unti nang umaakyat sa mainstream sa iba’t ibang platforms – live man o online– at inaangat nito ang mga artist at kanilang craft di lamang sa larangan ng entertainment.

Sa pagpasok ng 2023 may pasabog agad ang Fire & Ice Media production, na pag-aari ng LGBT powerhouse couple na sina OPM legend Ice Seguerra at dating Film Development Council of the Philippines chairperson Liza Diño.

Isang pre-Valentine extravaganza na pagbibidahan ng “Drag Race Philippines” season 1 winner na si Precious Paula Nicole kasama sina Viñas Deluxe at Brigiding, ang kanilang handog sa madlang pipol.

Mula sa kanilang tagumpay sa Aliw Awards para sa Best Stage & Musical Direction para sa anniversary concert ni Ice, nais itutok ng Fire & Ice Media ang spotlight sa sining ng drag.


Kaya naman ngayon pa lang ay pinaghahandaan na nila ang “Divine Divas: The Ultimate Drag Experience.” Ipapakita ng concert ang Philippine drag culture sa Pebrero 10, 2023, sa New Frontier Theater, Araneta City, Cubao.

Dito, mapapanood ang iba’t ibang disiplina ng drag gaya ng impersonations ng music superstars kina Beyonce at Lady Gaga, at pati na rin ang mga orihinal na mga awitin na nilikha at binigyang-buhay ng mga drag artists.

Ngunit higit sa kanilang pagtatanghal, nais ipakita ng concert ang makulay na buhay ng mga drag queens — mula sa kanilang paghihirap at tagumpay.

Sapagkat sa ilalim ng glamorosong make up at magagandang kasuotan, ay isang taong nais na makita, irepresenta, mapakinggan, at mahalin.

Ayon kay Brigiding sa kanyang karanasan, “This is a very inspiring moment for me because I’ve never thought of this when I was younger, I’ve never seen someone like me when I was younger, but because I dreamed and believed, it’s happening.

“At ngayon naman, to be that inspiration to the younger queer artists and the LGBTQ community ay napakagandang bagay,” aniya.

Bahagi ng maraming dahilan para sa concert na ito ay ang paglagay sa sining ng drag sa mas malaking platform at entablado na hindi limitado sa isang niche audience at piling manonood.

“This is an opportunity for drag queens to be seen on the main stage and to be considered as mainstream artists. Fire &Ice wants to support that. Especially since we are part of the LGBT community.

“We deserve to be front and center and not just be on the sidelines. Sa pamamagitan ng concert na ito, we hope that more people will appreciate these drag performers and help normalize drag as a form of entertainment,” paliwanag ng producer na si Liza Diño.

Para naman kay Ice, ito ay mahalagang yugto sa kasaysayan ng Philippine drag, “Nasa main stage na ang mga local drag queens natin.

“You see their names alongside mainstream artists and concert performers. For me, that’s a big thing because drag has always been on the sidelines, has always been underground,” sabi pa ng singer-actor at direktor.

Talagang oras na para mailagay sa sentro ang mga drag queens at oras na para rumampa sila sa mainstream stage kaya hinihikayat nina Ice at Liza na suportahan ang kanilang napakabonggang proyekto sa 2023.

Ang tickets para “Divine Divas: The Ultimate Drag Experience” ay mabibili sa TicketNet (bisitahin ang www.ticketnet.com.ph o tumawag sa 89115555).

Ito’y co-produced ng Nathan Studios, isang production company na co-founded naman ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez.

Drag queens mula sa Baguio na nabiktima ng scam todo-pasalamat kay Rabiya: May pa-condo na, may palafang pa

5 veteran actress nasa ‘Living Legends’ commemorative stamp na ng PHLPost

Nadine tuloy ang concert para sa mga Golden Gays, drag queens: You are loved and valued!

Read more...