BONGGA ang bagong pinagkakaabalahan ng Japanese model-entrepreneur na si Maria Ozawa.
Nagtayo kasi siya ng bagong negosyo dito sa Pilipinas at ito raw muna ang kanyang tututukan sa ngayon.
Isa ang BANDERA sa mga naimbitahan para sa soft opening ng kanyang high-end bar na Mansion Sports Bar & Lounge sa Makati nitong December 30 at napaunlakan pa niya kami ng one-on-one interview.
Mapapansin na super happy ang Japanese celebrity sa bago niyang venture at siya pa mismo ang nag-tour sa ipinagmamalaki niyang negosyo.
Natanong ng BANDERA sa one-on-one interview with Maria kung plano na nga ba niyang manirahan dito sa ating bansa dahil nagtayo na nga siya ng negosyo.
Oo ang sagot niya ngunit gusto niya raw ay kapag naging normal na ang sitwasyon ng pandemya.
Sey niya, “I hope so, because actually before the pandemic, I used to live here and I was living here for like 6, 7 years? So as of now, I’m still going back and forth.”
“But when the pandemic dies down and then everything is almost back to normal, I’m thinking that I wish I could come back,” aniya.
Nabanggit pa ni Maria sa amin na ang pagiging businesswoman na muna ang focus niya ngayon at dahil daw sa bago niyang karera ay nagiging “inspired” siya araw-araw.
“Everyday is like a new inspiration, especially after I partnered up with ‘The Mansion’ people because I’ve never done this kind of big deal before and everything is so new and I really, really enjoy everything, and I’m learning things everyday and so this opening is very important to me and I just hope that it’s gonna be very, very good so we could expand,” kwento ng Japanese model sa amin.
Siyempre bukod sa pagiging business-minded, hindi namin pinalagpas na itanong kung balak din ba niyang bumalik sa showbiz lalo’t nandito siya ngayon sa Pinas.
Diretsong sagot ng aktres, sa ngayon ay wala pa sa isip niya na magkaroon ng comeback sa showbiz, pero hoping daw siya.
“Maybe when I really come back here in the Philippines, maybe showbiz, but right now, I don’t know, hopefully, hopefully, hopefully,” sey niya sa aming team.
Ibinahagi pa ni Maria sa amin na if ever bumalik siya sa showbiz ay bet niyang gumawa ng romance comedy film.
Chika niya, “I’ve never done, like, comedy or romcom before. So maybe that would be something good to try next time.”
“Hi guys! Please come join the Mansion party and you will not regret when you come here, eat and party with your friends. If you wanna, like, food or you wanna drink, this is the place to be with your friends and I hope to see you guys,” sey ni Maria.
Related chika: