KZ nagpasabog ng kilig vibes sa birthday message kay TJ: You are the kindest, most loving, and most understanding person…

KZ nagpasabog ng kilig vibes sa birthday message kay TJ: You are the kindest, most loving, and most understanding person...

KZ Tandingan at TJ Monterde

MULING ibinandera ng singer-songwriter na si KZ Tandingan ang kanyang abot-langit na pagmamahal sa kanyang asawang si TJ Monterde.

Nagpasabog ng kilig vibes ang married couple sa social media dahil sa super sweet birthday message ni KZ para kay TJ.

Sa kanyang Instagram page kahapon, nag-post ang Kapamilya singer ng litrato nila ni mister kalakip ang pasasalamat dito dahil sa pagiging mabuti at maalalahaning asawa.

“Just two words: ‘Happy birthday.’ Well, three more: ‘I love you,'” simulang pahayag ni KZ.

Dugtong pa niya, “You are the kindest, most loving, and most understanding person.

“And I can’t even explain how amazing my life has been with you in it. I just wish you could see yourself through my eyes, my love,” ang bahagi pa ng message ng award-winning OPM artist.


Nito lamang nagdaang August ay nag-celebrate sina KZ at TJ ng kanilang second wedding anniversary. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang baby kaya marami ang laging nagtatanong kung kailan nila balak magkaanak.

Sa panayam namin kay KZ ilang buwan na ang nakararaan ay sinabi niyang sa sobrang kabisihan nila sa kanilang respective career ay halos hindi na sila nagkikitang mag-asawa.

“Actually yun nga, siguro for the past… siguro magwa-one month na, na I don’t get to spend as much time, as I want to, sa asawa ko.

“But I think ang laking factor na siguro po ay we are in the same industry, na alam niya kung ano ang hinihingi ng industriya. Ganu’n din naman po ako sa kanya.

“Like this year, I did not spend my birthday with him, because meron siyang gig. Nalulungkot ako siyempre, kasi asawa ko yon, hindi mo kasama on your birthday,” malungkot na sey ni KZ.

“But we both understand, na may mga araw talagang mga ganu’n. We just always make sure na whenever we get the time, we make sure na it’s special, we make sure na kapag magkasama kami, kahit one hour lang yan, it’s quality time talaga,” lahad pa ng premyadong singer.

Sa ngayon daw ay wala pa talaga silang plano na magka-baby kaya abangers na lang daw ang madlang pipol kung kaikan ito mangyagari.

TJ Monterde may ginawa sa isang music festival na ayaw na ayaw ni KZ Tandingan

Bakit ayaw pang magkaroon ng baby nina KZ Tandingan at TJ Monterde?

Hugot ni KZ kay TJ: Akala ko sobrang mahal ko na siya pero everyday he proves me wrong…

Read more...