Hugot ni KZ kay TJ: Akala ko sobrang mahal ko na siya pero everyday he proves me wrong... | Bandera

Hugot ni KZ kay TJ: Akala ko sobrang mahal ko na siya pero everyday he proves me wrong…

Ervin Santiago |August 17,2021
facebook
share this

Hugot ni KZ kay TJ: Akala ko sobrang mahal ko na siya pero everyday he proves me wrong…

Ervin Santiago - August 17, 2021 - 08:32 AM

KZ Tandingan at TJ Monterde

NAPAKARAMING nadi-discover ng Kapamilya singer-songwriter na si KZ Tandingan sa kanyang married life.

Mag-iisang taon nang kasal si KZ sa kapwa niya singer at composer ding si TJ Monterde. Naganap ang kanilan intimate wedding ceremony sa Batangas last September, 2020.

“Ang dami-daming negative na nangyayari still ngayon sa bansa natin, sa lahat ng nangyayari sa paligid natin. 

“Even sa individual natin, sa mental health, sa health, spiritual din meron kang mga pinagdadaanan pero one thing that I’m thankful for sa pandemic is that it made me love my husband more. 

“Na akala ko sobrang mahal ko na siya pero everyday he proves me wrong. Kaya ko pa pala siyang mas mahalin kasi mas nakikita ko siya na mas maalaga siya sa akin ngayon,” pahayag ng singer at aktres.

Habang tumatagal daw ang pagsasama nila ni TJ bilang mag-asawa ay mas marami pa siyang natututunan sa buhay at nadi-discover sa kanyang sarili.

“Super supportive niya. Lalung-lalo na ngayon na pandemic ang dami-daming mga trabaho na dati we had a whole village doing it for us but now I have a husband who does everything for me.

“Like kanina kinompliment yung camera, yung lighting namin, ganyan, ganyan. But siya lang yun. Siya lang lahat yun even the audio. So I am very thankful na kahit na nakakapagod, he never complains and he’s always there supporting me. 

“Pinagmamaneho niya ako sa mga trabaho ko kahit na kulang din siya ng tulog kasi may mga work din siya, may mga kailangan siya tapusin at deadlines na kailangan ma-meet.

“Sana hindi siya magbago. Ha-hahaha! I am thankful na sa dinami-rami ng mga relationships na nabuwag dahil sa pandemic, yung relationship namin pinagtibay,” lahad pa ng award-winning singer.
Kinontra rin niya ang sinasabi ng iba na kapag kasal na ay doon na raw lalabas ang totoong ugali ng magdyowa na magiging ugat ng hindi pagkakaintindihan at laging pag-aaway.

“Kasi di ba, feeling mo kapag nanliligaw pa okay best foot forward yan pero kapag kinasal na kayo, huwag ka ng mag-expect na magiging ganun pa rin siya. Parang ganu’n. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero si TJ from ganito at gumanyan, umangat pa siya. Parang hinigitan pa niya yung sarili niya nu’ng nanliligaw pa siya. Sobra siyang mas maalaga.
 
“Sobra siyang maintindihin. Na minsan dapat magalit siya pero hindi niya pa rin ako inaway,” papuri pa ni KZ sa kanyang mister.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending