Andrea bet na bet si John Lloyd: Feeling ko ang bonggang experience nu'n! | Bandera

Andrea bet na bet si John Lloyd: Feeling ko ang bonggang experience nu’n!

Ervin Santiago |July 18,2021
facebook
share this

Andrea bet na bet si John Lloyd: Feeling ko ang bonggang experience nu’n!

Ervin Santiago - July 18, 2021 - 09:04 AM

EMOSYONAL at talagang napaluha ang Kapuso sexy actress na si Andrea Torres sa muli niyang pagpirma ng exclusive contract sa GMA 7.

Mahigit isang dekada na si Andrea bilang Kapuso kaya naman abot langit ang pasasalamat niya sa network dahil hanggang ngayon ay buong-buo pa rin ang suporta at tiwala sa kanya ng mga bossing ng GMA. 

Aniya, sa 13 taon niyang pananatili bilang Kapuso, ay never daw niyang naisip na iwan ang kanyang tahanan at lumipat ng ibang istasyon.

“I’m very happy, I’m very emotional. Actually, kaya ako naging emotional, kanina, gumawa sila ng video na binalikan nilang lahat yung mga unang projects ko.

“From ‘Sana Ay Ikaw Na Nga,’ ‘Annasandra’, to ‘Millionaire’s Wife’,  nakita ko ulit at naalala ko yung bawat steps na na-take namin together.

“From the time na dina-doubt mo pa yung sarili mo, ‘Kaya ko bang gumawa ng soap?’ Tapos ngayon, nandoon na kayo sa part na medyo nag-e-experiment na kayo. Nagti-take na kayo ng mga roles na dati, hindi niyo tine-take, pero ngayon open na kayo.

“So, very happy po ako. Very happy ako na Kapuso pa rin ako. Na winelkam pa rin nila ako at ganito ang pag-welcome nila sa akin. Napaka-warm talaga, hindi ko in-expect from our bosses.

“And I think, yun naman po ang reason kung bakit loyal ako as Kapuso. Kasi, masaya ako rito at napi-feel ko ang love nila for me,” pahayag ni Andrea sa virtual mediacon na ibinigay sa kanya ng GMA.

Isa sa mga naitanong sa dalaga ay ang tungkol sa napabalitang sitcom na gagawin niya sa GMA kasama ang nagbabalik-showbiz na si John Lloyd Cruz.

“Wala pa po kasi akong nakukuhang announcement talaga from GMA regarding that. Talagang narinig ko lang po sa mga kuwento-kuwento, mga news.

“Mahirap pong i-claim, di ba? Palagi nga nilang sinasabi na kapag wala pang storycon, wala pang taping, mahirap i-claim, di ba? Pero happy po ako sa news na yun noong marinig ko siyempre.

“Kasi, fan ako ni John Lloyd and, yun nga, hindi pa po ako nakakagawa ng sitcom, e. So, open ako sa mga ganu’n,” tugon ni Andrea.

Aniya, ipagdarasal daw niya ang proyektong ito, “Talagang bet ko rin na matuloy kasi bibihira lang naman ang ganitong opportunity.

“Actually, nagulat tayong lahat na puwede na ang ganito, na pwede mo nang makatrabaho si John Lloyd, si Bea (Alonzo). And definitely, kapag naibigay po sa atin, magiging very happy talaga. Feeling ko, ang gandang experience po nu’n.

“Ang dami kong matututunan from him and feeling ko, opportunity rin na makita ng mga tao ang another side of me.

“Kasi, di ba, kapag sitcom, medyo mas makulit ka. Parang hindi pa nila masyadong nakikita yung side ko na yun. Although may patikim na ng Bubble Gang, sa sitcom, I think, mas lalabas siya,” chika pa ng dalaga.

Samantala, muling mapapanood si Andrea sa bagong primetime series ng GMA na “Legal Wives” simula sa July 26 kung saan gaganap siya bilang isa sa tatlong asawa ni Dennis Trillo. Ang dalawa pa ay sina Alice Dixson at Bianca Umali.

At bukod dito, may iba pa siyang mga project na naka-lineup, “Actually, napaka-timely nga po ng nangyaring renewal of contract.

“Ngayon po, ang dami pong naka-lineup na gagawin namin. Magiging very busy po ‘tong taon na ‘to and yung mga naka-lineup na yun, puro mga roles na never ko pang nagawa before and stories na never ko pang nagawa before.

“Ito pong Legal Wives, natuwa akong marinig sa boss ko na nagustuhan daw nila, napakalaki raw ng project, maganda raw siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And yung susunod, I’m sure magugulat din kayo sa role at sa mga scenes na gagawin ko,” masayang kuwento pa ni Andrea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending