MMFF 2022 Review: Pinoy charm nina Coco at Jodi abot hanggang US sa ‘Labyu with An Accent’
NARANASAN mo na rin ba ang magkaroon ng Ultimate Jowa Experience? Pwes ‘yan ang ipadarama sa iyo ng Metro Manila Film Festival 2022 entry na ‘Labyu with An Accent’ starring Coco Martin and Jodi Sta. Maria.
Katulad nga ng naiulat namin dito sa Bandera, matapos ang halos tatlong taon ay nakapag-decide si Coco na mag-field ng kanyang movie sa MMFF.
View this post on Instagram
“Naisip ko ‘yung project na ito kasi ‘di ba, almost three years tayong hindi nakalabas ng mga bahay natin tapos hindi tayo nakapanood ng sine, which is iyon ang tradisyon natin na kapag Pasko, ito ‘yung reunion natin ng mga barkada, asawa, anak.
“Parang sabi ko, bakit hindi tayo gumawa ng isang pelikula na baka sakali ay matulungan natin ‘yung industriya na makabalik.” sabi niya.
In fairness, hindi mo rin talaga mabibilang ang pagtawa mo sa loob ng sinehan dahil ang daming funny, makulit at nakakakilig na scenes from start to finish.
Coming from Coco na rin naman, kailangang kumpletos-rekados ang pelikulang kanilang bubuuin lalo pa’t matindi ang naranasan mula sa pandemya. At maganda na rin itong opportunity para may kasabay na light-themed at rom-com entry ang movie ng friend niyang si Unkabogable Star Vice Ganda.
“Nakakatuwa kasi lahat nagtutulung-tulong sa industriya para makabalik tayo dito. Kaya naisip ko, dapat ang gawin nating pelikula ay ‘yung makaka-inspire ng mga tao dahil alam naman natin ang hirap ng pinagdaanan, ‘yung lungkot dahil ang tagal nating hindi nakalabas ng bahay,” say niya.
Anyway back to the movie, nakikita kong relatable dito ang pagmu-move on sa pagiging heartbroken at ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers sa Amerika.
Si Tricia (Jodi) ay isang businesswoman sa United States (kaya pa-slang-slang) na piniling umuwi sa Pilipinas para hilumin ang kanyang puso. Dito na niya nakilala ang entertainer na si Gabo (Coco) na nag-offer sa kanya ng “ultimate jowa experience” (magbabayad ang kliyente para maging jowa nito sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi).
Talagang halakhak kung halakhak ang mga tao sa sinehan sa unang bahagi ng pelikula dahil na rin sa nakakaaliw na mga eksena. Pak na pak din ang mga role nina Nova Villa bilang lola ni Jodi at ni Rochelle Pangilinan na kababata niya.
As usual naging komportable si Jodi sa pelikula dahil na rin teritoryo nito ang romantic-comedy movies. Ehem, dontcha forget ang TV series niyang Please Be Careful with My Heart at pelikulang The Achy Breaky Hearts.
Hindi magiging panalo ang aktingan kung hindi daragdagan ng pasimpleng damoves at paggiling ni Coco. Iba talaga ang charm ng ating Probinsyano, mapabata man o tanders talagang tumitili.
Siyempre may drama rin ang Labyu dahil nang nagkakadebelopan na sina Tricia at Gabo, bigla namang naisipan ng babae na bumalik sa Amerika. And you don’t need to guess, dahil yes, sinundan naman siya ni Gabo na nakitira sa kanyang mga pinsan.
In fairness, talagang nasa Amerika ang buong produksiyon nang i-shoot ang pelikula. Naalala ko pa nga rito ‘yung Instagram post ni Jodi kung saan nabudol siya ni Spider-Man.
View this post on Instagram
Going back, nasubok ang relasyon nila dito sa Amerika lalo na nang ipinakilala ni Tricia si Gabo bilang isang matagumpay na businessman at jowa sa kanyang istriktong ama (Michael de Mesa) at nanay (Jaclyn Jose). Well, the plot here is para maiwasan lang na mag-on ulit sila ng kanyang ex-fiance na kasosyo ng kanyang tatay sa negosyo.
Na-test din ang ego ni Gabo sa Amerika dahil pinaramdam sa kanya ang kalagayan ng karamihan sa mga nagtatrabahong OFW dito. Talagang nagsusumikap sila at nagpapawis ng dugo upang itaguyod ang kanilang pamilya kahit na sinusubok sila ng mga banyaga at maging kapwa Pilipino.
Well, sa mga nakaharap ng dalawang bida sa pelikula uusbong pa kaya ang true love na nagsimula sa kanilang ‘ultimate jowa experience’ promo? It’s for you to find out na mga besh!
Ang “Labyu with An Accent” ay co-directed nina Rodel Nacianceno at Malu Sevilla. Kasama rin dito sina Rafael Rosell, Manuel Chua, Joross Gamboa, Zeus Collins, Neil Coleta, John Estrada, Nikki Valdez, Nash Aguas, Marc Solis, John Medina, Jay Gonzaga, Bassilyo, at Smugglaz; produced by Star Cinema.
Related Chika:
MMFF 2022 Review: ‘My Teacher’ punong-puno ng aral tungkol sa pagsusumikap, pagpapatawad
MMFF 2022 Review: Jake, Dimples, Sean ibinigay ang puso’t kaluluwa sa ‘My Father, Myself’
Nova Villa super fan ni Coco Martin: It’s been my dream to see him in person
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.