Cristina Gonzales-Romualdez kinoronahang Noble Queen of the Universe; iba pang Pinay wagi rin | Bandera

Cristina Gonzales-Romualdez kinoronahang Noble Queen of the Universe; iba pang Pinay wagi rin

Armin P. Adina - December 30, 2022 - 09:52 AM

 

Noble Queen of the Universe Cristina Gonzales-Romualdez

Noble Queen of the Universe Cristina Gonzales-Romualdez/ARMIN P. ADINA

NASUNGKIT ni dating Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez ang pinakamahalagang korona sa Respect: Noble Queen of the Universe coronation program sa Tokyo Prince Hotel sa Tokyo, Japan, noong Dis. 29.

Minana ng dating lingkod-bayan at singer-actress ang korona mula kay Modoka Kudeken mula sa Japan, na tinanggap ang titulo sa edisyon noong 2021 na itinanghal sa San Diego, California, sa Estados Unidos. Si Gonzales na ang ikaapat na reynang ginawaran ng naturang pagkilala, na unang nakuha ng kapwa niya aktres na si Patricia Javier noong 2019.

Si Javier na ngayon ang national director para sa Pilipinas, at siya ring tumatayong international director ng patimpalak.

Kasama ni Noble Queen of the Universe Cristina Gonzales-Romualdez (gitna) sina Noble Queen Earth Sheralene Shirata (kaliwa) at Noble Queen International Leira Buan

Kasama ni Noble Queen of the Universe Cristina Gonzales-Romualdez (gitna) sina Noble Queen Earth Sheralene Shirata (kaliwa) at Noble Queen International Leira Buan/ARMIN P. ADINA

Hinirang ding “Ambassador Queen of Humanity” si Romualdez, na kumatawan sa Visayas sa taunang pagtatanghal. Dalawang Pilipina pa ang umani ng titulo, sina Leira Buan mula Mindanao na kinoronahang Noble Queen International, at Sheralene Shirata mula Luzon na hinirang bilang Noble Queen Earth.

Itinanghal ding “Ambassador Queen of Respect” at Best in Long Gown si Buan, habang “Ambassador Queen of Environment” at Best in National Costume naman si Shirata.

Kinoronahang Noble Queen Globe si Yuko Noguchi mula Saitama, Japan, na hinirang din bilang “Ambassador Queen of Health and Wellness,” habang Noble Queen Tourism naman si “Ambassador Queen of Integrity” Jenny Miglioretto mula Japan.

Itinanghal naman bilang Noble Queen of the Universe Ltd. ang Filipino-American na si Marjorie Renner na kumatawan sa Estados Unidos, na “Ambassador Queen of Goodwill” at Best in Active Wear din.

Noble Queen of the Universe Ltd. Marjorie Renner

Noble Queen of the Universe Ltd. Marjorie Renner/ARMIN P. ADINA

Sinabi ni Javier sa Inquirer sa isang naunang panayam na isang pagkilala sa mga naging ambag sa lipunan ng mga kandidata ang isinagawang coronation program. Mahalaga umanong isaalang-alang ang mga proyektong naisagawa na ng mga reyna sa kani-kanilang mga pamayanan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isang panayam bago tumulak pa-Tokyo, sinabi ni Romualdez sa Inquirer na nais niyang maging isang “Noble Queen” upang mapalawig pa ang nagawa na niyang pagbibigay ng suporta sa mga inabusong babae at bata, at makapagpatayo ng shelter na katulad ng nasa Tacloban City na tinulungan niyang maipatayo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending