RR Enriquez imbyerna sa ‘lambingan’ nina Skusta Clee at Ava Mendez: Hindi nakaka-proud, hindi mo ‘yan ikinaganda girl!
NAGING hot topic nanaman ng binansagang Sawsawera Queen at aktres na si RR Enriquez ang OPM rapper na si Skusta Clee.
Nagbigay siya ng komento tungkol sa lambingan ng rapper at bago nitong karelasyon na ang Viva Max star na si Ava Mendez.
Binasa pa ni RR ang isang balita na kung saan ay naging usap-usapan sa social media ang video post ni Ava na makikitang binugbog siya ng halik ng rapper.
Ayon sa Sawsawera Queen, hindi dapat ipinagmamalaki ang ganyang klaseng tao, lalo na’t kung alam ng maraming tao na babaero ito.
Sey ni RR sa kanyang YouTube video, “Sa totoo lang, hindi nakaka-proud. Kung ako ‘yung babae, hindi ako magiging proud na i-display si Skusta Clee na hinahalik halikan ako.”
“Sorry ah, alam ko namang hindi kagwapuhan si Jayjay pero ang layo ng itsura. Charot! Pero ayun nga, lalo na kung alam natin na babaero,” aniya.
Patuloy pa niya, “Okay lang naman kung hindi naman kagwapuhan eh, pero hindi na nga kagwapuhan tapos babaero ka pa, parang hindi nakaka-proud, hindi mo ‘yan ikinaganda girl!”
“‘Yan lang ang masasabi ko sayo. Hindi siya nakaka-proud sa totoo lang. Pero kung ikaw, proud ka, we’re happy for you,” saad ni RR.
May mga binasa pang komento mula sa mga sawsawerang netizens si RR at biglang isiningit na dahil sa pagiging sikat ni Skusta kaya raw maraming lumalapit dito.
“Hindi rin naman siya OA sa yaman, pero feeling ko dahil nga sikat, siyempre ‘di ba, ganun naman eh. Feeling ko lang ito ha, ako lang ‘to,” sey ng Sawsawera Queen.
“Dahil nga sa may pangalan, sikat naman talaga si Skusta Clee at magaling naman talaga kumanta. I really like his songs ha, paborito ko talaga siya. Si Skusta lang hindi, charot!,” aniya.
Dagdag pa ni RR, “Pero ayun nga, hindi ako naniniwala sa pera eh. Sa fame kaya dinidikitan or pwedeng mabait naman pala, mapagmahal, malambing, baka naman diba. Nagkataon lang talaga na habulin ng mga babae.”
May nagtanong pa na netizen kay RR kung bakit binabastos ng mga tao si Ava.
Mabilis na sagot naman diyan ng aktres, “Siguro nga kasi kaya binabastos dahil nga nadidikit kay Skusta. Eh hindi ba, maraming galit kay Skusta dahil nga sa ginawa niya kay Zeinab.Kaya pati tuloy ‘yung babaeng pumapatol pa rin kay Skusta, nadadamay.”
Patuloy na sabi ni RR, “ Kasi sa totoo lang, questionable talaga ‘yan. Alam mo nang babaero ‘yung lalake, pinapatulan niyo pa rin nang pinapatulan.
“Anong akala niyo, mapagbabago niyo siya? Kung si Zeinab ka ng sobrang ganda, sobrang sexy eh hindi napagbago, eh kayo pa eh wala naman kayo sa kalingkingan ni Zeinab. Charot!”
Related chika:
RR Enriquez sa ‘paglantad’ nina Paolo Contis at Yen Santos: Time is the ultimate truth teller
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.