BB Gandanghari kaabang-abang ang pasabog sa MMFF 2022 Gabi ng Parangal; sinu-sino ang tatanghaling pinakamagagaling?
SINU-SINO kaya ang mga magwawagi sa idaraos na Metro Manila Film Festival 2022 Gabi ng Parangal tonight na gaganapin sa New Frontier Theater sa Araneta City, Cubao, Quezon City?
Nagsimula ang MMFF 2022 last Sunday, December 25, at balitang maganda at mainit naman ang naging pagtanggap ng mga Pinoy sa walong pelikulang kalahok.
Ano kaya ang tatanghaling Best Picture sa walong entry ngayong taon na kinabibilangan ng “Family Matters”, “Nanahimik Ang Gabi”, “Deleter”, “Mamasapano”, “My Father, Myself”, “Partners In Crime”, “Labyu With An Accent” at “My Teacher”.
View this post on Instagram
Malaking factor din kasi sa box-office success ng isang entry kapag nanalo itong Best Picture dahil kadalasan ay naku-curious ang mga tao na panoorin ito sa sinehan.
Bukod sa mga magwawagi at tatanghaling pinakamagagaling sa mga kalahok ngayong taon, inaabangan din ang iba pang mga pasabog na magaganap sa awards night.
Marami ang nae-excite sa pagho-host ni BB Gandanghari sa awards night kasama sina Giselle Sanchez at Cindy Miranda mula sa produksyon ng Viva Live.
Abangers sila sa mga gagawing ni BB sa Gabi ng Parangal dahil ito nga ang unang pagkakataon rarampa siya sa isang malaking showbiz event makalipas ang pitong taong pamamalagi sa Amerika.
Pero sa mga hindi pa nakakaalam, matagal nang nagho-host si BB ng mga showbiz events kabilang na ang mga awards night dahil noong si Rustom Padilla pa siya ay palagi siyang naiimbitahang mag-host sa iba’t ibang award-giving bodies.
Umuwi si BB sa Pilipinas ngayong holiday season para dalawin at makasama ang kanyang pamilya na matagal na niyang hindi nakikita at nakakasama.
BB Gandanghari ibinandera ang kaseksihan: ‘Kabogera! Flawless pati singit talo pa tunay na babae!’
Sinu-sino ang tatanghaling pinakamagagaling sa 4th EDDYS ngayong gabi?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.