Dra. Vicki Belo, Scarlet ipinagdiriwang ang birthday ni Yaya Anita, naging 'star' ng latest vlog | Bandera

Dra. Vicki Belo, Scarlet ipinagdiriwang ang birthday ni Yaya Anita, naging ‘star’ ng latest vlog

Pauline del Rosario |December 25,2022
facebook
share this

Dra. Vicki Belo, Scarlet ipinagdiriwang ang birthday ni Yaya Anita, naging ‘star’ ng latest vlog

Pauline del Rosario - December 25, 2022 - 05:08 PM

Dra. Vicki Belo, Scarlet ipinagdiriwang ang birthday ni Yaya Anita, naging 'star' ng latest vlog

MARAMING netizens ang naantig sa panibagong YouTube vlog ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo, kasama ang kanyang anak na si Scarlet.

Ang naging bida kasi ng kanilang vlog ay ang kanilang Yaya Anita na ipinagdiriwang ang 48th birthday.

Bukod sa social media exposure ay nabigyan pa si Yaya Anita ng sorpresa.

Sa YouTube video na ibinandera noong December 23 ay nagkaroon muna ng interview si Yaya Anita.

Naikuwento pa ni Dra. Vicki na 11 years nang naninilbihan sa kanila si Yaya Anita at una raw nitong inalagaan ay ang kanyang mister na si Hayden Kho bago si Scarlet.

Makikita rin sa video na talagang close na close ang yaya pati si Scarlet.

Sinabi pa ni Scarlet na itinuturing na niyang pangalawang ina ang kanyang yaya.

“She’s my second mommy to me because she always takes care of me,” sey ni Scarlet.

Ibinunyag din ng celebrity doctor na may mga sumusuhol kay Yaya Anita ng mas malaking pasweldo upang iwanan sila.

“Si Scarlet ang nag-iisang, the only alaga ever at tsaka ‘yung promise mo sakin na siya lang,” kwento ni Dra. Vicki.

Patuloy pa ng doktor, “Ang dami kasing nagte-tempt kay Yaya Anita na bina-bribe siya, ang daming nago-offer ng malaking sweldo, kung ano ano para lang iwanan si Scarlet, pero napaka loyal ni Yaya Anita.”

Kwento pa niya, “11 years na siya sa amin pero hindi siya naging mayabang, never siya nagiging insolente or presko.

“Talagang I think she’s very respectful all the time kasi you know, I think she’s a very good example for Scarlet, and when we bring her abroad, talagang at peace because I know she’s like a second mom to Scarlet and alagang-alaga, kahit ako ay inaalagaan mo paminsan.”

Sa bandang ending ng video ay nagbigay na ng mensahe si Scarlet sa kanyang Yaya Anita.

Sey ng tsikiting, “I wish that Yaya Anita has a long life, and I wish she will never leave forever.”

Pagkatapos niyan ay inilabas na nila ang sorpresang handa para sa kanyang kaarawan at kinantahan pa ng “happy birthday” song.

Bukod sa mga handa at cake, binigyan ng mag-ina si Yaya Anita ng computer bilang regalo.

Naiyak pa si Yaya Anita dahil ang sabi niya ay matagal na niyang pinag-iipunan ang makabili ng computer para sa anak na malapit nang magkolehiyo.

Libo-libong netizens naman ang napa-comment sa latest YouTube vlog ni Dra. Vicki at narito ang ilan sa mga nabasa naming komento.

“Ang sarap maging Boss/Employer ni Dra. Vicki Belo. Napakabait niya kaya naman pantay lang at mga mababait din nakukuha nya na trusted household staff.”

“Super bait talaga po ninyo Belo family, napalaki si Scarlet na mabuti bata at may pagpapahalaga sa kapwa. Super love nya si Yaya Anita talaga.”

“I can feel so much love in this family. Dr Vicki Belo and Scarlet have such huge hearts even to their house helpers. Such an inspiration to many. Stay down to earth and humble, Belo family!”

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vicki Belo hindi pinapasok sa Chanel Fashion Show sa Paris: ‘not meant to be’

Heart Evangelista ‘inisnab’ sina Vicki Belo at Alex Gonzaga sa Milan Fashion Week: ‘Ano ‘to Mars? Sa Manila magkakaibigan tayo!’

Vicki Belo sa panggagaya sa kanya ng ‘Drag Race PH’ contestant: I don’t know whether to be angry or flattered

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending