KaladKaren pinaalalahanan ang madlang pipol: Magtrabaho ka pero ‘wag mo rin kalimutan magpadilig!
ALIW na aliw ang mga netizens sa TV host at komedyanteng si KaladKaren o Jervi Li sa tunay na buhay sa nakatatawang hirit nito sa social media.
Nagbigay paalala kasi ito sa madlang pipol na panay ang pagtatrabaho at pagbabanat ng buto para sa kanilang mga pamilya at para makamit ang kanilang mga pangarap.
“Magtrabaho ka pero ‘wag mo rin kalimutan magpadilig!” saad ni KaladKaren sa kanyang Instagram account kalakip ang larawan ng kanyang bag na kuha habang nasa airport siya.
“Finally, makakapagbakasyon din! Huhuhuhu. See you soon, my love! Monkey is excited to see you and Monkey #2! See you next year, Pilipinas!” dagdag pa niya.
Mukhang papunta ng United Kingdom si KaladKaren upang doon magdiwang ng Pasko at Bagong Taon kasama ang fiancé na si Luke Wrightson.
Speaking of Luke, nag-comment ito sa post niya at sinabing “Yay!!! See you panget!”.
View this post on Instagram
Matatandaang September 2020 nang ibandera niya ang balitang engaged na sila ng kanyang dyowang afam.
Naging viral rin ang sinabi ni KaladKaren noon sa kanyang condo tour na mapapanood sa YouTube channel ng kanyang ini-impersonate na si Karen Davila.
“Dito po, actually, bedroom siya sa araw, sa gabi hardin siya, kasi dito po ‘ko dinidiligan,” sabi niya na ikinaloka ni Karen.
Related Chika:
#LoveWins: KaladKaren, British fiancè nag-celebrate ng 10th anniversary
Kaladkaren sinagot ang tanong ng netizen na, ‘May p*k* na po ba kayo?’
Kaladkaren: Sabi nila ’15 minutes of fame mo lang ‘yan, hanggang diyan ka na lang, hindi ka sisikat’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.