Mimiyuuuh aminadong ‘normal day’ lang noon ang Pasko: Hindi po kami nakakapag-celebrate

Mimiyuuuh aminadong 'normal day' lang noon ang Pasko: Hindi po kami nakakapag-celebrate

INAMIN ng YouTube vlogger at endorser na si Mimiyuuuh na tila normal na araw lang para sa kanila noon ang araw ng Kapaskuhan.

Sa Facebook account nga nito ay ibinahagi niya ang mga throwback photos niya kasama ang kanyang pamilya na kuha sa isang stall kung saan sila nagtitinda.

“Alam niyo po dati, parang normal day lang po sa amin ang pasko. Hindi po kami nakakapag-celebrate kasi nagtitinda po kami kinagabihan tapos sa araw po ng Pasko, tutulog na lang po kami tapos kakain tapos titinda po ulit,” lahad ni Mimiyuuuh.

At sa kanyang vlog nga ay mas in-elaborate pa niya ang naging sitwasyon ng kanilang pamilya noong Kapaskuhan habang nagtitinda sa Baclaran at hindi pa siya nagba-vlog.

“Noong hindi pa ako nag-va-vlog, wala pa po kami masyadong pera noon. I really felt, ‘yung Christmas po namin dati, parang hindi talaga siya special,” sey ni Mimiyuuuh.

Pagpapatuloy pa niya, “Kasi every Christmas, parang napi-feel ko na obligated ako mag-work, magtinda, kasi nga tutulong kami sa parents namin. So hindi kami nakaka-celebrate ng Christmas talaga. It’s just a normal day.”

Ngunit 2019 nang tila magbago ang buhay ni Mimiyuuuh matapos mag-viral ang kanyang video post at simula noon nga ay pinasok na niya ang mundo ng vlogging at naging brand endorser.

Bukod pa rito ay nagkaroon rin ng chance ang vlogger na maging recording artist at makapag-release ng sarili niyang kanta na pinamagatang “DYWB (Drink Your Water B*tch).

Nakapagpagawa na nga rin siya ng sariling bahay dahil sa pagba-vlog at dito na sila ngayon nakatira kasama ang kanyang mga magulang at mga kapatid.

“Dati, naiinggit ako sa ibang family na nag-si-celebrate ng Christmas, ‘yung talagang may event sila, may program. Since puyat po kami ng 24 — kasi nagtitinda kami sa Baclaran, Simbang Gabi — ‘yung Christmas namin, ikakain na lang namin, tapos matutulog kami,” sey pa ni Mimiyuuuh.

Tanging ang lechon manok na nga lang ang tila naaalala niya na siyang kinakain nila sa hapunan kapag kinaya ng kanilang mga kinita ngunit ngayon nga ay hindi na sila mag-aalinlangan sa kung ano ang kakainin dahil may sapat na silang pera para makapaghanda.

“Sobrang nostalgic ng experience na ‘to sa akin. Kahit hindi naman bongga ang Pasko niyo, basta magkakasama kayo, nandoon na rin ang essence ng Pasko,” hirit pa ni Mimiyuuuh.

Related Chika:
COVID hugot ni Mimiyuuuh: Akala ko mawawala na ang nanay ko sa harapan ko…

Mimiyuuuh hiniwalayan ng dyowa sa pamamagitan lang ng text message: Sobrang na-shock po ako!

Lisa ng BLACKPINK kinopya ni Mimiyuuuh: Homaygad kala ko nasa bahay namin siya, ako lang pala!

James Reid kumasa sa hamon ni Mimiyuuuh matapos matsismis kay Kelsey Merritt: ‘You ready for mature roles?’

Read more...