SA ginanap na Parade of the Stars ng 2022 Metro Manila Film Festival kahapon na nagsimula sa Welcome Rotonda Quezon City at nagtapos sa Quezon Memorial Circle nitong Miyerkoles ng gabi ay nagtataka ang mga taong nasa parada kung bakit walang artistang nakasakay sa float ng “Mamasapano: Now it Can Be Told” na produced ng Borracho Film Productions, Inc.
Kaya nga raw tinawag na Parade of the Stars ay para present ang mga artistang kasama sa pelikula? Hinanap ng mga tao sina Paolo Gumabao, Aljur Abrenica at iba pa.
Naloka lang ang lahat dahil ang namumukod tanging nakasakay at kumakaway sa mga tao ay ang look-alike ni dating Presidente Noynoy Aquino. Bakit ginamit ang taong namayapa na para i-promote ang pelikula?
Maraming nadismaya sa eksenang ito. Gimik daw ba ito para makakuha ng atensyon ng tao?
Pinost naman sa Facebook account ng Film writer na si Jerry Gracio ang kuhang video ng float ng “Mamasapano: Now it Can Be Told” habang kumakaway ang look-alike ni PNoy.
Ang caption niya, “Yung mga kaibigan kong sundalo, ayaw nang pag-usapan ito. Pero pilit na binubuhay ng mga di nakakaalam ng dynamics sa loob ng AFP ang isyu, ginagamit sa pelikula. Ginamit nila ‘yung patay sa parada. Dahil ba wala silang maiparadang artista?”
Bukas ang BANDERA sa panig ng Borracho Film Productions, Inc ukol sa mga komento ng netizens bakit wlang artista ang float ng “Mamasapano: Now it Can Be Told”.
Related Chika:
Vice Ganda, Toni Gonzaga nagyakapan sa MMFF 2022 Parade of Stars; Magic 8 kanya-kanyang paandar