Sylvia Sanchez aprub kay Zanjoe para kay Ria: Gustong-gusto ko siya!

Sylvia Sanchez aprub kay Zanjoe para kay Ria: Gustong-gusto ko siya!
TILA nagbigay na ng blessing ang beteranang aktres na si Sylvia Sanchez sa Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo para sa kanyang anak na si Ria Atayde.

Ito ay matapos makapanayam ni Alora Sasam ang aktres sa nagdaang ABS-CBN Christmas Special 2022 na ipinalabas sa YouTube noong Linggo, Disyembre 18.

Natanong kasi ni Alora si Sylvia kung “naughty” ba o “nice” ang anak na si Ria sa tuwing nasa isang relasyon ito.

“Nice siya [kasi] binibigay lahat, sinusuko lahat. Sinasabihan ko siya talaga na, ‘Magtira ka para sa sarili mo,’” sagot niya.

Kaya naman nang tanungin si Sylvia kung pakiramdam niya ay may nagbago kay Ria sa kanyang past and current relationship ng dalaga.

Noong una pa nga ay tila hindi pa kilala ng beteranang aktres ang special someone ni Ria at pabirong tinanong pa si Alora kung sino ba ito.

“Ang laki ng pinagbago. Ang laki ng kaibahan. Masaya ako,” lahad ni Sylvia.

Dagdag pa niya, “Kaya ko pino-post kasi gusto ko [siya]. Mabait si Z, ma-respetong bata and gustong-gusto ko siya.”

Matatandaang siya rin mismo ang nagkumpirma na nililigawan ni Zanjoe ang kanyang anak na si Ria noong October.

Noong November naman ng tila maging Instagram official na ang dalawa matapos mag-post ng mga ito ng kanilang larawan mula sa Japan trip nito.

Sa kaparehas na buwan rin ay nag-post si Sylvia ng larawan kung saan makikitang kasama ng pamilya Atayde si Zanjoe habang nagdi-dinner.

Related Chika:
Sylvia Sanchez pinaiyak si Ria Atayde sa presscon ng ‘Misis Piggy’: Never akong humingi ng favor para sa mga anak ko

Sylvia babalik sa pag-arte sa 2023, kakaririn muna ang pagiging producer; bakit nga ba present sa Cannes 2022?

Sylvia ayaw pakialaman ang diskarte nina Arjo at Maine sa pagpapakasal; Zanjoe ‘nagpaparamdam’ kay Ria

Sylvia Sanchez ibinuking sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo: Sabi sa akin ‘dating’ pero…

 

Read more...