Boy Abunda nakipag-usap kay Mike Enriquez matapos pumirma ng kontrata sa GMA; nanawagan kina Heart at Marian

Boy Abunda nakipag-usap kay Mike Enriquez matapos pumirma ng kontrata sa GMA; nanawagan kina Heart at Marian

Boy Abunda

TINAWAGAN agad ng King Of Talk na si Boy Abunda ang veteran broadcast journalist na si Mike Enriquez para ibalita ang pagbabalik niya sa GMA 7.

Ayon kay Tito Boy, bago siya humarap sa ilang miyembro ng entertainment media kagabi para sa kanyang “homecoming” mediacon na ginanap sa penthouse ng Astoria Plaza, Pasig City, ay nagkausap muna sila ng news anchor.

“Just before we started this press conference, hindi ko talaga matiis, I have to call Mike Enriquez.

“He took my call. I will not, you know… it was a very private conversation. But I’m really hoping na…he’s a very dear friend of mine.

“Hindi ko man nakikita si Mike nang kasingdalas ng gusto ko dahil… hindi lamang sa magkahiwalay kami ng tahanan noon, pero he has been a friend. A constant friend. Minsan may pinag-uusapan kami, minsan wala,” pahayag ng premyadong TV host at talent manager.

Dagdag pa niya, “Minsan, just like today, sinabi ko lang, ‘Mike, nandito na ako, nagbabalik.’ Sabi niya sa akin, ‘Saan? Saan ka nagbabalik?’

“Obviously he was not watching television. So, sabi ko, ‘Nagbabalik ako sa Channel 7.’ Sabi ko, ‘And I could not imagine not letting you know.’


“I am considering my relationship with Mike, at ang sabi ng aking kaibigan, ‘I would not have forgiven you had you not called me,”” ani Tito Boy.

Sey ng nagbabalik-Kapuso, looking forward siyang makausap at ma-interview si Mike sa gagawin niyang programa sa GMA 7 para mas makilala pa ito ng publiko.

Wala pang ibinigay na ibang detalye ang mga bossing ng GMA kung ano ang titulo at timeslot ng unang show na gagawin niya sa kanyang homecoming bilang Kapuso.

Pero baka raw sa ikalawa o ikatlong linggo ng January  2023 na ito umere.

Inisa-isa rin niya kung sinu-sino sa mga naglalakihang Kapuso stars ang gusto niyang ma-interview para sa mga unang episodes ng kanyang magiging programa sa GMA.

“Of course, I would go for the Heart Evangelistas of this world and the beautiful Marian Rivera. I’d love to do Maine Mendoza and Arjo Atayde together. Mga pangarap lang ito.

“I’d love to be able to do the younger artists na hindi ko pa masyadong kilala, the Julie Anne San Joses, the Barbie Fortezas.

“They were in my class. Because when I was in ABS-CBN, I would give hosting classes for GMA artists. So I knew them from that encounter, from that engagement.

“Sino pa? I’d love to be able to do Carla Abellana. Popoy (Caritativo, manager ni Carla) if you’re watching, maninikluhod ako.

“I’d like to be able to do an interview with Alden (Richards). Alden is an old friend of mine. I’ve known him even before he got into the business.

“Tom Rodriguez. The sexy, Dennis Trillo. Para sa akin, yun ang guwapo!” ang natatawang chika pa ni Tito Boy. “And Jen (Jennylyn Mercado), ito’y walang malisya. Of course I’d love to do an interview with Jen.

“I’d love to do an interview with Paolo Contis. And many others. Ang dami na nu’n. Kung nanonood kayo, Heart, Marian, you know, they know I’d love to start with them.

“Kailangan ko ng tulong nila, tatanggapin ko yun. But I’d like to be able to do meaningful and fun conversations with them,” sabi pa ng premyadong TV host.

Marami pang chika si Tito Boy sa muli niyang pagharap sa mga kaibigan niya sa press, kabilang na ang naging sagot niya sa hamon ng Primetime King na si Dingdong Dantes, but that’s another story to tell.

Boy Abunda magiging Kapuso na rin, tuloy ang negosasyon sa GMA?

Balitang pumanaw na si Mike Enriquez…fake news: ‘Buhay na buhay pa ‘ko’

Mike Enriquez nag-viral matapos tawagin si Sharon Cuneta na Helen Gamboa; netizens tawang-tawa

Read more...