Boy Abunda kumpirmadong Kapuso na uli, pumirma ng kontrata sa GMA 7

Boy Abunda kumpirmadong Kapuso na uli, pumirma ng kontrata sa GMA7

Boy Abunda pumirma na ng kontrata sa GMA 7 (Photo: Kapuso Girl Instagram)

CONFIRMED! Pumirma na nga ng kontrata ang award-winning TV host at nag-iisang King of Talk na si Boy Abunda sa GMA 7.

Ngayong araw, December 15,  naganap ang contract signing ni Tito Boy sa GMA Network Center sa Quezon City kaya certified Kapuso na uli siya ngayon.

Sa pagbabalik ng veteran TV host sa GMA 7, todo ang pasasalamat niya sa mga bossing ng network sa pagmamahal at tiwala bilang “presenter, social host and interviewer.”


“I will commit to working hard, to doing the best I can to be able to deliver the best entertainment and shows that I am going to do with GMA 7,” ang mensahe ni Tito Boy sa pagbabalik niya sa dati niyang tahanan.

Present sa pagpirma ni Tito Boy sa Kapuso Network sina GMA Executives Senior Vice President for Entertainment Lilybeth Gomez-Rasonable; Vice President for GMA Entertainment Group Janine Nacar; at Consultant for GMA Entertainment Group Bang Arespacochaga.

Naroon din sina First Vice President of GMA Entertainment Group Darling Bodegon; First Vice President and Head of GMA Regional TV and Synergy and acting head of GMA Integrated News Oli Amoroso; and First Vice President at Head of Operations, GMA International Joseph T. Francia.

Sa isang panayam inamin ni Tito Boy na sinabi nitong napakahirap ng kanyang sitwasyon, “That’s not an easy decision. As of now as I talk hindi talaga madali, and hindi ako nagsisinungaling doon sa hindi ko pa alam.

“Pero maganda dahil I will make sure I don’t burn bridges kung saka-sakali, matuloy man o hindi, kung saan man ako, TV5 or GMA 7 or kung ano pang mga estasyon. I will make sure na makikipag-usap ako nang matino.

“I value relationships. That makes this whole process difficult,” aniya pa.

Pahayag pa niya, “Nag-umpisa ako ng karera ko sa telebisyon sa Channel 7, parati kong sinasabi na doon ako natutong maglakad.

“Natuto akong lumipad sa ABS-CBN. Sa dami ng tumulong, I did not do this thing alone. Mahirap dahil may mga relasyon akong pinapangalagaan,” sabi pa ng premyadong TV host.

Bea kumpirmadong Kapuso na, pumirma na ng kontrata sa GMA 7

Ka Tunying pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV ni Manny Villar; ngayon lang nakaranas ng ‘signing ceremony’

Zeinab Harake super happy sa piling ng bagong dyowa; todo pasalamat sa pagmamahal, tiwala ni Rhea Tan

Read more...