Xian Lim naglunsad ng sariling podcast: I’m excited that we can Experience Life together

Xian Lim naglunsad ng sariling podcast: I'm excited that we can Experience Life together

PHOTO: Instagram/@xianlimm

MAY panibagong dagdag na karera ang Kapamilya singer-actor na si Xian Lim.

Naglunsad naman siya ng sarili niyang podcast na tinatawag niyang “The Experience Life Podcast with Xian Lim.”

Sa isang Instagram post ay naikuweto nga ng aktor na ilang taon niya ito pinagkaabalahan bago ma-launch ngayong Disyembre.

“Experience Life podcast has been pending for more than a year and it’s finally here! Actually… in 2 weeks! (winking face emoji),” sey niya sa IG.

Excited na raw siya na ibahagi ang kwento ng kanyang buhay sa madlang pipol.

Caption niya, “I am so excited to share this with you all… the lessons, stories, and breakthroughs! But I’m even more excited that we can Experience Life together.

“This is Xian Lim, your host and classmate in this journey we call LIFE.”

Pahabol pa niya sa kanyang post, bukas siya sa kahit anong collaboration at guests sa kanyang podcast.

Saad sa IG post, “Btw, I’m open to collabs and guests!!! (smiling face emoji) Shoot me a message and let’s Experience Life together! Who’s up for it? In the meantime, send in questions in the comment section below or any topics you’d like me to cover.”

Proud na proud namang nag-comment sa nasabing post ang kanyang girlfriend na si Kim Chiu at sinabing, “Wow naman!!!! (clapping hands emojis) congrats b!!!! Long wait is over!!!!! Yahoooo!!!!!”

Napa-comment din ang ilang fans at narito ang ilan sa mga “congratulatory” messages nila para sa idol nila na si Xian.

“Congrats (clapping hands emoji) idol Xi looking forward to a collab with your chinitaprincess soon.”

“OMG!!! Been waiting for this (red heart emoji)”

“Congrats (clapping hands emoji) and looking forward to hearing your life changing experiences.”

Gumawa pa ng ibang Instagram account ang aktor para sa podcast at makikita roon na nagkaroon na siya ng first episode.

Sa post noong december 12 ay may ibinandera siyang clip mula sa podcast na tungkol sa paghahanap ng purpose sa buhay.

Caption pa niya, “Often times we compare ourselves to others. The grass always looks greener on the other side and we sometimes forget to water our own side of the fence”

“You don’t have to compare because once you compete with others, you become bitter but if you compete with yourself, you become better (red heart emoji),” lahad sa post.

Related chika:

Madam Inutz, Ima Castro, Vin Abrenica kanya-kanyang pasabog sa pa-birthday bash ni Genesis Gallios; Xian Lim pinagkaguluhan sa ‘concert’

Xian Lim, Kim Chiu nagkahiyaan sa 1st shooting day ng ‘Always’; Matinding dramahan, maraming iyakan

Melai Cantiveros naloka nang makita ang bill ng kuryente; Kim Chiu super proud kay Xian Lim

Read more...