Ka Tunying pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV ni Manny Villar; ngayon lang nakaranas ng 'signing ceremony' | Bandera

Ka Tunying pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV ni Manny Villar; ngayon lang nakaranas ng ‘signing ceremony’

Ervin Santiago |September 06,2022
facebook
share this

Ka Tunying pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV ni Manny Villar; ngayon lang nakaranas ng ‘signing ceremony’

Ervin Santiago - September 06, 2022 - 07:53 PM

Ka Tunying pumirma na ng kontrata sa TV network ni Manny Villar

Anthony Taberna

PAGKATAPOS ng mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano, pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV (AMBS 2) ang veteran broadcast journalist at news anchor na si Anthony Taberna ngayong araw, September 6.

Sa naganap na contract signing, nakasama ni Ka Tunying ang ilang executives ng ALLTV, kabilang na ang may-ari ng network na si dating Sen. Manny Villar, ang anak nitong si Sen. Mark Villar, at si AMBS President Maribeth Tolentino.

Napanood sa Facebook live ng TV and radio host ang pagpirma niya ng kontrata sa bagong network sa bansa na umani naman ng mga positibong komento mula sa mga netizens.

Nagbiro pa nga si Ka Tunying kay Maribeth Tolentino habang pinipirmahan ang kanyang kontrata, “Mahal ‘tong ballpen na ‘to, Ma’am. Puwede bang itago natin ‘tong ballpen na ‘to?

“Ngayon lang ako nagkaroon ng signing ceremony sa buong buhay ko. Ganito pala pakiramdam!” chika ni Anthony Taberna.

View this post on Instagram

A post shared by Anthony T. Taberna (@iamtunying28)


Mensahe naman ni Tolentino kay Ka Tunying matapos ang naganap na contract signing, “We are so proud that we have you in our family.”

Pahayag pa ng dating news anchor ng ABS-CBN, “Alam niyo na kung saan ako susundan. Pero hindi pa ngayong araw na ito.

“Sa September 13, meron po tayong launching sa ALLTV Talk. Magugulat kayo kung sino pa ang mga kasama. Magugulat kayo, abangan niyo po.

“Ito po ay sa free TV po masusubaybayan kaya kahit saang sulok kayo ng Pilipinas kayo naroroon, masusubaybayan niyo po ang mga palabas na magbibigay sa inyo ng tamang impormasyon.

“Ang atin naman laging layunin, e, to inform nang tama, to educate lalo po sa mga kabataan, at pangatlo, to entertain. Gusto namin, kumpleto yun,” pahayag ni Tunying.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang TV host na si Willie Revillame ang unang pumirma ng kontrata sa AMBS 2, na ngayon ay tatawaging ALLTV. Sinundan ito ng contract signing ng celebrity couple na sina Toni at Direk Paul na parehong kilalang tagasuporta ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ka Tunying never humingi ng tulong sa pamilya Marcos para sa medical bill ng anak

Ka Tunying sa patuloy na paglaban ni Zoey sa leukemia: Konti na lamang, bumabalik na sa porma

Alden isa sa mga ‘sign’ na natanggap ni Kuya Kim kaya lumipat na sa GMA 7

Regine ayaw isuko ang pangarap na maging ‘boldstar’: Good luck na lang sa inyo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending