Sunshine Cruz napasabak uli sa pagpapaseksi: My daughters found it cool…sabi nga nila, ‘Mama, you’re hot!’

Sunshine Cruz napasabak uli sa pagpapaseksi: My daughters found it cool...sabi nga nila, ‘Mama, you’re hot!’

Karl Aquino, Allen Dizon, Sunshine Cruz at Angelica Cervantes

NAPAPAYAG ng Vivamax ang aktres na si Sunshine Cruz na sumabak uli sa mga love scenes kahit na nga dalaga na ngayon ang tatlo niyang anak na puro babae.

Swerte si Sunshine ngayong 2022 dahil sunud-sunod ang kanyang trabaho at isa rin siya sa iilang celebrities na nakakagawa ng proyekto sa iba’t ibang TV network.

Very soon ay mapapanood na uli ang aktres sa latest GMA drama series na “Underage” na pagbibidahan ng mga promising Sparkle artists na sina Elijah Alejo, Lexi Gonzales at Hailey Mendes.

Nakatapos na rin siya ng tatlong pelikula — ang “Pamilya sa Dilim” at “Greatest Performance of My Life” under the direction of Jay Altarejos at ito ngang “An Affair to Forget” sa direksyon ni Louie Ignacio na mapapanood na very soon sa Vivamax.

Ayon kay Sunshine wala naman daw issue sa kanya kung magpaseksi siya uli sa pelikula o teleserye basta ang mahalaga maganda ang materyal at matsa-challenge siya.

“Actually, itinago pa nila sa akin na Vivamax pala ito. Sabi ko, wala namang problema kasi when I read the script by Quinn Carrillo, maganda siya kaya nagustuhan ko talaga.

“I play a hotshot lawyer and it’s a new challenge for me kasi first time kong gumanap na isang abogada. Nag-nose bleed lang ako kasi ang daming lines in English.

“But trabaho is trabaho and this is a blessing. Also, this is with Viva, where I did a lot of films like ‘Ekis’, ‘Bullet’ at ‘yung di natapos na ‘Dukot Queen’, so bale comeback ko rin ito sa Viva,” sey ng aktres sa ginanap na virtual mediacon ng “An Affair to Forget”.

Paano nga ba siya napapayag na gumawa uli ng mga sexy scenes, “Okay lang naman sa akin because I did a movie for Cinemalaya na cougar ako, ‘Malampaya’.

“And my daughters found it cool. Ito nga, nakita pa lang nila ang poster sabi nila, ‘Mama, you’re hot!’


“Dito sa ‘An Affair to Forget’, I trusted Direk Louie Ignacio and in fairness, hindi niya ako pinabayaan. First shooting day ko, love scene agad at nakita ko sa monitor, maganda namang lumabas ‘yung sexy scene with Allen (Dizon). Maayos tingnan,” pahayag ni Sunshine.

Iikot ang kuwento ng naturang sexy-drama-thriller movie tungkol sa isang napariwarang anak, at isang asawang mandiyan pero parang wala rin.

Yan ang araw-araw na buhay ni Rowena (Sunshine), kahit na magaling at kilalang abogada, hindi niya masolusyunan ang mga sariling problema sa bahay.

Ang anak niyang si Charles (Karl Aquino) ay madalas na napapasama sa gulo, kaya napapaaway sa mga bar at nadadala sa presinto.

“Ang asawa naman niyang si Oscar (Allen) na isang struggling artist ay madalas malayo ang loob at pinaghihinalaan din ni Rowena na mayroong ibang karelasyon.

Para makumpirma ang cheating allegations laban sa asawa, buong tapang at pikit-matang iha-hire ni Rowena ang sex worker na si Beth (Angelica Cervantes) para akitin ang asawa at i-report nito sa kanya ang mga gagawin nila.

Magtatagumpay si Beth sa pag-akit kay Oscar at magpapatuloy ang inaakalang lihim na relasyon ng dalawa. Pagpapatansyahan at maglalaro naman sa isipan ni Rowena ang mga detalye na binabalita sa kanya ni Beth sa kung ano ang mga ginagawa nila ni Oscar.

Kukumprontahin din naman ni Rowena ang asawa tungkol sa nalalaman nito, na susubukan pa sanang itanggi ni Oscar pero sa huli ay aamin din at mapag-uusapan ng mag-asawa na magsimula muli at isalba ang kanilang pamilya.

Pero ang pangalawang pagkakataong ito para sa relasyon nila ay hindi magiging maganda para kay Beth dahil tuluyan na palang nahulog ang loob nito kay Oscar. Dito na maiisipan ni Beth na maghiganti laban kina Rowena at Oscar, at gagamitin nito ang kahinaan ng mag-asawa, si Charles.

“Don’t miss ‘A Love Affair to Forget’ kasi puro magagaling ang mga kasama ko rito. Kakaiba rin ang kuwento at may twist sa story about Angelica’s character’s relationship with our family. The ending will really shock you,” chika pa ng aktres.

Mapapanood na ang “An Affair to Forget” exclusively on Vivamax, simula sa December 23.

Samantala, tungkol naman sa napabalitang paghihiwalay nila ni Macky Mathay,  “I dont want to talk about that. I’m not ready kung anuman ‘yung nangyari.

“Basta I can say na lahat ng naging love affairs ko, I don’t want to forget them kasi may natutunan ako sa bawat isa sa kanila and they helped in making me a better person.”

“As of now, I just want to focus on my work. Basta sa ngayon, I can say na I’m very happy. I have three new movies, I’m in a new TV series, so I cannot complain. My heart is full. Basta I am proud of this movie and ako mismo, excited akong mapanood na siya kasi ang ganda ng trailer,” sey pa niya.

Paano naman niya ise-celebrate ang darating na Pasko? “I will be with my side ng family ko on Christmas Day, then sa New Year, dahil very busy ako this year with so much work, I will treat my daughters naman and we will go to Bohol. Kasama namin ang brother nila, si Diego, and their dad (Cesar Montano) with his new partner.”

Sunshine Cruz sa netizen na pumansin ng kanyang ‘sexy outfit’: I don’t think may chart ang attire according to age

Jake Ejercito nagpaka-daring din sa ‘A Family Affair’: Mas kampante ako ngayon, mas nakakapaglaro na ako sa set

Ivana umaming may iniwang karelasyon kahit mahal na mahal pa niya: Hindi naman tama na magpaloko ako nang magpaloko!

Read more...