Franki Russel pinatunayang hindi lang paghuhubad ang kayang gawin, pinalakpakan ng press ang akting sa ‘Laruan’

Franki Russel pinatunayang hindi lang paghuhubad ang kayang gawin, pinalakpakan ng press ang akting sa 'Laruan'

Franki Russel

PINALAKPAKAN ng mga miyembro ng entertainment media ang dating “PBB” housemate from New Zealand na si Franki Russel matapos ang private screening ng bago niyang movie, ang “Laruan.”

In fairness, napakalaki ng improvement sa akting ngayon ng dalaga kesa sa unang pelikula niyang “Pabuya” kung saan nakatambal niya ang kanyang rumored boyfriend na si Diego Loyzaga

Bagay na bagay sa kanya ang bida-kontrabida role niya sa “Laruan” na isinulat at idinirek ng isa sa mga favorite naming horror director na si Yam Laranas.

Talagang nabigyan ni Franki ng hustisya ang karakter ni Camille sa movie bilang isang “mean scheming, domineering and manipulative” na misis ni Jay Manalo at kabit ni Kiko Estrada.

Bukod sa mga pasabog na sex scenes nila ni Kiko Estrada, talagang may pinatunayan si Franki sa “Laruan” na siguradong ikagugulat ng mga manonood.

Super pasalamat naman ang aktres sa mga pumuri sa kanya sa pelikula, “Camille is so far from the real me. She’s so twisted. I cannot relate to my character.

“She smokes, and I don’t even smoke. But it’s necessary to the role kasi sobrang sosyal si Camille. And with the help of Direk Yam who guided me all the way, I’m glad you now say I’m good in my role,” ani Franki.


Noong una, ang gusto raw niya talagang gawin ay mga romantic roles, “Yung sweet love story like ‘The Notebook’. I never thought I could play a challenging role like this. But doing it is so much fun kasi it bring out a side of me, that mean streak I’m not even aware of.

“I’ve seen some of Direk Yam’s past movies and I like them so I felt I just have to be a part of this new film of his. I just fully trusted him and I think he’s able to bring out the best in me,” sabi pa ng dalaga.

Ibang-iba rin ito sa mga past Vivamax movies ni Yam Laranas  tulad ng “Death of a Girlfriend”, “Paraluman” at “Greed” kaya siguradong maninibago ang manonood, lalo na ang ginawa niyang atake sa ending.

Pahayag pa ni Direk Yam, “Boss Vic (del Rosario ng Viva Entertainment)  is always challenging me to come up with something different

“So yes, iba ito sa past works ko but the story is actually very simple. It’s about characters who cheat on love. Iniba ko lang kasi I made an effort to get into the mind of my characters.

“I’ve already written the script but when I got the cast, I have to rewrite it to tailor the roles on the actors who will play them. My object is to get good performances from the entire cast and I’m glad we pulled it off,” aniya pa.

Kwento ito ni Camille (Franki) at ng asawa nitong si Rene (Jay) na isang sikat at misteryosong painter. Madalas pagtaksilan ni Camille ang asawa dahil sa katrabaho nitong si Geoff (Kiko).

Lagi ring iniimbita ni Camille si George na magsama mg date over dinner sa kanilang bahay. Iiwan nina Camille at Geoff sina Rene at ang date ni Geoff para mag-quickie sa mismong bahay njmi Renn. Magtutuloy-tuloy ang palabas na ‘to, at pakiramdam ni Camille ay nasa kanya na ang lahat, pati na ang buong atensyon ni Rene at Geoff.

Pero magbabago ang lahat sa pagdating ng bagong date ni Geoff, si Thea (Ava Mendez), isang free-spirited na art major. Dahil parehas ng hilig at parehas na interesado sa arts, magkakapalagayan ng loob si Rene at Thea, at mahuhulog din ang loob sa isa’t isa.

Dito na magsisimulang ma-threaten si Camille dahil kahit na madalas niyang hindi pansinin at i-take for granted ang asawa, hindi ito sanay na nababaling ang atensyon nito sa iba. Lalo pang lalalim ang galit ni Camille kay Thea dahil mapapansin din nitong napapalapit din ito lalo kay Geoff.

Puno ng galit at pagseselos, iisip ng paraan si Camille para alisin sa landas niya si Thea, at dahil hindi ito sanay na natatalo at nabibigo, gagawin niya ang lahat para magtagumpay na guluhin at paglaruan ang buhay ni Thea, kahit pa madamay sina Rene at Geoff sa mga plano niya.

Mapapanood na ang “Laruan” Vivamax simula sa December 16.

Diego Loyzaga nag-promise kay Franki Russel, handa raw tumulong nang walang kapalit: We share a deep relationship…

Franki Russell tinanong si Diego Loyzaga: Mahal mo ba ako?

Kiko Estrada game na game na nakipag-foursome sa erotic movie na ‘Laruan’: It’s a game of sexual politics

Read more...