Jake Ejercito nagpaka-daring din sa ‘A Family Affair’: Mas kampante ako ngayon, mas nakakapaglaro na ako sa set
PARA sa Kapamilya actor na si Jake Ejercito, ang “A Family Affair” na ang pinaka-daring na proyektong nagawa niya simula nang sumabak siya sa pag-aartista.
Kaya naman nasabi ng anak ng movie icon at dating Pangulong Joseph Estrada na talagang nag-effort siya nang bongga para mabigyan ng hustisya ang role niya sa upcoming series ng ABS-CBN.
In fairness, talagang mula nang maging Kapamilya si Jake noong 2021 ay nagsunud-sunod na ang kanyang projects, ay ang latest nga ay itong “A Family Affair” kung saan makakasama niya sina Ivana Alawi, Gerald Anderson, Sam Milby at Jameson Blake.
Ang unang teleserye niya sa ABS-CBN ay ang romcom na “Marry Me, Marry You” at sinundan ng suspense-drama na “The Broken Marriage Vow” na magtatapos na sa Biyernes, June 24.
“I’ve been really blessed. From ‘Marry Me,’ then ‘Broken Marriage,’ and now ‘A Family Affair.’ I’ve been fortunate na sunod-sunod, I’m really grateful,” sabi ng binatang ama sa virtual mediacon na ibinigay sa kanya kahapon ng ABS-CBN.
Ayon pa kay Jake, talagang kinakarir niya ang paghahanda sa bawat project na ibinibigay ng kanyang mother network.
“Kapag naman may dumadating na offer o project, I always take it as a challenge, I take it as an opportunity to better my craft, to learn from my co-actors.
“Malaking factor sila kung bakit ko tinanggap itong project na ‘to. Nakaka-inspire sila katrabaho. They make me want to elevate my craft din,” lahad ni Jake.
View this post on Instagram
Sa tanong kung paano niya ilalarawan ngayon ang kanyang career at ang pagiging aktor, “All I can say is, personally, I’m more comfortable now compared to when I started with ‘Marry Me’ and ‘Broken Marriage.’
“Ngayon, natutunan ko nang i-enjoy ‘yung ginagawa ko. I don’t want to assess my performance. Ang alam ko lang, mas kampante ako, mas nakakapaglaro na ako sa set,” pahayag pa ni Jake.
Sa kuwento ng “A Family Affair,” gaganap siya bilang ang playboy na si Seb, ang isa sa apat na Estrella brothers na masasangkot sa kung anu-anong kumplikadong sitwasyon.
“It’s very, very different, if we compare it to the previous two shows I did. Ibang-iba. Dito, it’s my first time to portray a character na may family, may mga kapatid, and what I really enjoy about our material, lahat talaga kami, our characters, are given the spotlight,” kuwento ng tatay ni Ellie.
Chika pa niya, talagang nae-excite ang bawat miyembro ng cast kapag nababasa na nila ang script para sa susunod nilang mga eksena.
“Kapag dumarating ‘yung scripts, sasabihin ko kay Jameson, ‘Bro, nabasa mo na ‘to? Grabe, ang lala!’ Every week, there’s something na kaabang-abang. Kahit kami, nagugulat kami!” chika ni Jake.
At base na rin sa trailer ng “A Family Affair’ inamin nga niya na ito na ang “most daring” niyang project.
“Definitely, compared to the past two characters. Mas emotionally demanding din itong script na ‘to,” sabi ng aktor.
Sa direksyon nina Jerome Pobocan at Raymund Ocampo, mapapanood na ang “A Family Affair” next week sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5 at iWantTFC.
https://bandera.inquirer.net/315400/ivana-umaming-may-iniwang-karelasyon-kahit-mahal-na-mahal-pa-niya-hindi-naman-tama-na-magpaloko-ako-nang-magpaloko
https://bandera.inquirer.net/315557/sam-milby-may-warning-sa-mga-susunod-na-leading-man-ni-ivana-alawi-ano-kaya-yun
https://bandera.inquirer.net/283949/jake-nabiktima-rin-ng-pambu-bully-sa-school-kaya-sanay-na-ako-sa-mga-basher
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.