Jasmin Selberg ng Germany kinoronahang Miss International 2022 | Bandera

Jasmin Selberg ng Germany kinoronahang Miss International 2022

Armin P. Adina - December 13, 2022 - 05:12 PM

Jasmin Selberg ng Germany kinoronahang Miss International 2022

Miss International 2022 Jasmin Selberg ng Germany | PHOTO: Jasmin Selberg via Instagram/@jasminselberg

SA WAKAS, naitanghal na rin ang ika-60 Miss International pageant tatlong taon mula nang isagawa ang ika-59 edisyon nito, at kinorohan si Jasmin Selberg ng Germany bilang bagong reyna.

Dinaig niya ang 65 iba pang kalahok sa patimpalak na itinanghal sa Tokyo Dome City Hall sa Tokyo, Japan, at tinanggap ang titulo mula kay Sireethorn Leearamwat, ang unang reyna mula Thailand na siya ring pinakamahabang nagreyna sa kasaysayan ng Miss International pageant. Nagpahinga ang pandaigdigang patimpalak noong 2020 at 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.

Ipinutong din sa ulo ng bagong reyna ang isang bagong koronang dinisenyo at nilikha ng Vietnamese jeweler na Long Beach Pearl, na hudyat ng pagsisimula ng isang bagong yugto para sa isa sa pinakamatagal nang international pageants sa mundo.

 

Maliban sa pagkakaroon ng isang bagong korona, sinimulan din ng Miss International pageant na magsulong ng isang bagong adhikain, ang suportahan ang sustainable development goals (SDGs) na inendorso ng United Nations (UN). Kaya naman binansagang “Beauties for SDGs” ang mga kandidata ngayong taon.

 

Itinangal naman bilang first runner-up si Miss Cabo Verde Stephany Amado, second runner-up si Tatiana Calmell ng Peru, third runner-up si Miss Colombia Natalia Lopez Cardona; at fourth runner-up si Miss Dominican Republic Celinee Santos Frias.

Umabot naman si Binibining Pilipinas Hannah Arnold sa Top 15. Isang Australian-Filipino forensic scientist at modelo mula sa Masbate si Arnold. 

Una siyang sumali sa Bb. Pilipinas pageant noong 2019 at nagtapos sa semifinals. Bumalik siya noong 2020, ngunit nabinbin ang patimpalak dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Itinuloy ang patimpalak noong 2021, at doon nasungkit ni Arnold ang titulo bilang Bb. Pilipinas International. Ngunit hindi pa man siya nakalalaban sa Miss International pageant ay isinalin na niya ang kaniyang national title kay Nicole Borromeo.

 

Sinabi ng Bb. Pilipinas Charities Inc. na lalaban si Borromeo sa ika-61 Miss International pageant sa susunod na taon.

 

Mula sa mga pandaigdigang patimpalak na kasalukuyan pa ring tumatakbo, natagpuan ng Pilipinas ang pinakamalaki nitong tagumpay sa Miss International pageant.

 

Si Gemma Cruz ang unang Pilipinang nakapag-uwi ng korona sa isang pandaigdigang patimpalak nang hirangin siyang Miss International noong 1964. Sinundan siya nina Aurora Pijuan noong 1970, at Melanie Marquez noong 1979.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tumagal nang 26 taon ang paghihintay ng Pilipinas para sa ikaapat na panalo sa Miss International, at ibinigay ito ni Precious Lara Quigaman noong 2005. Sinundan siya ni Bea Rose Santiago noong 2013, at Kylie Verzosa noong 2016.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending