Luis, Jessy lumipat na sa bagong bahay na mas safe sa kanilang 1st baby: Sobrang simple lang niya pero maaliwalas | Bandera

Luis, Jessy lumipat na sa bagong bahay na mas safe sa kanilang 1st baby: Sobrang simple lang niya pero maaliwalas

Ervin Santiago - December 13, 2022 - 09:42 AM

Luis, Jessy lumipat na sa bagong bahay na mas safe sa kanilang 1st baby: Sobrang simple lang niya pero maaliwalas

Jessy Mendiola at Luis Manzano

LUMIPAT na naman ng bahay ang mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano kamakailan lamang at tuluyan nang iniwan ang huli nilang rental home.

Nagbigay ng update ang celebrity couple sa bago nilang bahay sa pamamagitan ng pa-house tour na mapapanood na sa YouTube channel ni Jessy.

Ayon sa mag-asawa, kakalipat lang nila sa inuupahang bahay na mas perfect sa huli nilang tinirhan. Ito’y habang tinatapos pa ang ipinatatayo nilang dream house na matagal pa raw bago matapos.

“Actually love na love namin ‘yung bahay na nilipatan namin last year. Kung matatandaan niyo, nag-house tour kami last year.

“As much as we loved that house, we had to move to another rental home kasi ito na nga ang aming pinakabagong blessing sa aming buhay,” ang paliwanag ni Jessy na ang tinutukoy ay ang kanyang pagdadalang-tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@jessymendiola)


Sey ng aktres at future mommy, mas safe ang bago nilang bahay para sa kanya at sa kanyang ipinagbubuntis.

Ipinakita nina Jessy at Luis sa kanilang mga tagasuporta ang dining area ng bahay, ang breakfast nook, living room, walk-in closet, at ang outdoor area na may home gym, garden, at maliit na swimming pool.

“Kaya namin nagustuhan ‘yung bahay na ‘to kasi sobrang simple lang din niya. At saka malinis. Well-lit din, maganda ‘yung lighting sa bahay na ‘to.

“At saka kapag lumabas ka, maaliwalas, mahangin, tahimik sa side na ‘to. So talagang nagustuhan namin ‘yung feel, ‘yung natural juju niya. Energy, kumbaga,” sey ni Luis.

Matatandaang ibinandera ng mag-asawa last August na magiging parents na sila makalipas ang halos isang taong pagsasama bilang married couple.

Ikinasal sila sa isang intimate ceremony sa Batangas noong February, 2021, after four years ng pagiging magdyowa.

Cristy Fermin kinontra si Barbie: Dapat tanggapin niyang siya ang iniwan

John Lloyd hindi iniwan si Maja noong naging kontrobersyal ang love life

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jennica lilipat na ng tirahan kasama ang 2 anak, ipinagbebenta na ang mga gamit sa bahay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending