Ano ang nais ni Miss International Sireethorn Leearamwat sa magiging tagapagmana niya? | Bandera

Ano ang nais ni Miss International Sireethorn Leearamwat sa magiging tagapagmana niya?

Armin P. Adina - December 13, 2022 - 09:32 AM

Reigning Miss International Sireethorn Leearamwat

Miss International Sireethorn Leearamwat/ARMIN P. ADINA

SINABI ni reigning Miss International Sireethorn Leearamwat na bago niya nasungkit ang korona, marami ang nagduda sa kakayahan niya.

At ngayong ipapasa na niya ang kanyang titulo, umaasa siyang mamanahin ito ng isang dilag na tulad niya ay nakapagbigay ng inspirasyon.

“In Thailand, I think I inspired a lot to achieve anything that you want to. Actually, at that time, no one trusted me, that I could be Miss International because of my appearance. But why not? I thought I could. So don’t let anyone doubt you,” sinabi niya sa Inquirer sa isang eksklusibong panayam sa Tokyo Dome Hotel noong Dis. 11.

Sinabi ng pharmacist na nais niyang maipasa ang korona sa isang kalahok na totoo sa kaniyang sarili, at makapaglilingkod sa kapwa. “And you have to have yourself full, then give that to other people, especially women. I think in every country, the woman experience inequality. So I hope that girl could inspire women to escape from what imprisons them,” pagpapatuloy ni Leearamwat.

Maliban sa pagiging unang Thai na nakasungkit sa korona ng Miss International, nagtala rin siya ng kasaysayan sa pagiging pinakamahabang nagreyna sa patimpalak. Noong 2019 pa siya nagwagi, ngunit hindi nakapagsalin ng titulo noong 2020 at 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.

Ngunit batid niyang dumating na talaga ang takdang panahon. “We have a new crown. So it’s time to change to a new queen,” sinabi ni Leearamwat. Naglabas ang Miss International pageant ng bagong korona para sa ika-60 edisyon nito ngayong taon, dinisenyo at nilikha ng Vietnamese jeweler na Long Beach Pearl.

Ngunit ano nga ba ang susunod para sa reynang Thai? “You can still see me, in my next chapter, I will reveal it in my [farewell] speech,” aniya.

Animnapu’t anim na mga kandidata ang magtatagisan para sa korona niya. Hihirangin ang magwawagi sa pagtatapos ng 2022 Miss International pageant sa Tokyo Dome City Hall sa Tokyo, Japan, ngayong Dis. 13.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending