#BantayAsks: Ano ang pwedeng iregalo sa inaanak ngayong Pasko bukod sa pera? | Bandera

#BantayAsks: Ano ang pwedeng iregalo sa inaanak ngayong Pasko bukod sa pera?

Pauline del Rosario |December 12,2022
facebook
share this

#BantayAsks: Ano ang pwedeng iregalo sa inaanak ngayong Pasko bukod sa pera?

Pauline del Rosario - December 12, 2022 - 07:16 PM

INQUIRER FILE PHOTO

IT’S the season of giving na naman mga ka-BANDERA!

Ready na ba kayo sa inyong mga ibibigay sa mga mahal sa buhay, lalo na sa inyong mga inaanak?

Alam ng BANDERA na marami sa inyo ay todo-isip na sa kung ano ang pwedeng ibigay ngayong Pasko.

Kaya para hindi kayo mahirapan masyado sa pag-iisip at paghahanda ay kami na ang humingi ng tulong sa madlang pipol.

Tinanong namin sa aming social media sa pamamagitan ng #BantayAsks kung “ano ang pwede iregalo sa inaanak bukod sa pera?”

Inisa-isa naming basahin ang mga nasa comment section at narito ang ilan sa mga suggestions nila na kapakipakinabang sa mga bata.

“Puedeng iregalo rin sa mga inaanak ay damit, laruan at mga gamit sa pag – aaral bukod sa pera,” sey ni Merceditha David.

Sabi naman ni Mary Madrid, “Pwede damit para lagi naaalala ng inaanak pag suot nya (happy face emoji)”

Ayon kau Sabby M. Carlota, “School supplies kng ng aaral na. Para may magamit sa school.”

“Dapat regalo ay Bible para hanggana paglaki nila matuto sila makilala ang Diyos at maging mabuting adulto,” ani Lolita Aycardo.

Sabi naman ni John Jericho Gallagher ay “insurance, scholarships, stocks & small business.”

Bukod sa mga naging komento ng ilang netizens, marami pang iba’t-ibang klase ng regalo na pwedeng ibigay para sa ating mga inaanak, materyal na bagay man ‘yan o hindi.

Basta ang laging tandaan ay dapat ito ay bukal sa inyong kalooban at tiyak na mapapakinabangan ng inyong mga pagbibigyan.

Merry Christmas, mga ka-Bandera!

Related chika:

Piolo nanawagan sa madlang pipol: Hindi pwedeng pumikit na lang at umasang pagdilat natin, nagbago na ang mundo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tuesday Vargas: Batang palengke talaga ako kung saan lahat de-takal at lahat pwedeng tingi-tingi lang

Andrew Schimmer muling humingi ng tulong para sa asawang nasa ICU

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending