Rachel Alejandro umaming adik sa trabaho kaya ayaw magka-baby: ‘Yung priority talaga is work | Bandera

Rachel Alejandro umaming adik sa trabaho kaya ayaw magka-baby: ‘Yung priority talaga is work

Pauline del Rosario |December 11,2022
facebook
share this

Rachel Alejandro umaming adik sa trabaho kaya ayaw magka-baby: ‘Yung priority talaga is work

Pauline del Rosario - December 11, 2022 - 12:29 PM

Rachel Alejandro umaming adik sa trabaho kaya ayaw magka-baby: ‘Yung priority talaga is work

PHOTO: Instagram/@racheljalejandro

UMAMIN ang singer-actress na si Rachel Alejandro na wala sa plano nila ng kanyang mister na si Carlos Santamaria na magkaroon ng anak matapos ang 11 years nang kasal.

‘Yan ang naging rebelasyon ni Rachel matapos makapanayam ng Star Magic Inside News na ibinandera sa YouTube nitong December 10.

Sinabi ni Rachel na prayoridad niya raw kasi talaga ay ang trabaho kaya napagdesisyunan nilang mag-asawa na huwag nang magkaanak.

Pero aminado ang singer na may mga panahon na minsan ay naiisip niya kung tama ang naging desisyon nila.

Kwento ni Rachel sa interview, “It was a conscious decision not to have kids on my part. I think because it’s more na I prioritize so much in work.”

Patuloy pa niya, “Kaya nga diba, I mentioned kanina na ‘nung pandemic, I felt lost because wala akong anak e and parang ‘yung buong buhay ko devoted talaga sa trabaho. So one day, I just woke up during the pandemic and ‘ano ang ginawa ko sa sarili ko?’, parang ganun ‘yung parang ‘did I make the right choice?’ so that’s something that a woman has to deal with.”

Nabanggit niya rin na kahit ang kanyang mister ay pabor din na walang anak dahil nais daw nito na mag-retire sa trabaho nang maaga.

Chika ni Rachel, “Kasi siyempre, we get to an age na hindi na rin talaga ganun ka-viable diba…and some people even choose to adopt, pero ‘yung husband ko ang hindi talaga, ayaw niya talaga ng kids.”

Dagdag pa niya, “So yeah, thankfully hindi naman kami tinatakwil ng mga magulang namin na hindi kami nagbigay ng apo. ‘Yung priority talaga is work in my case. So siya naman, ang goal niya sa buhay is gusto niyang to retire early and kung may anak ka, hindi ka pwedeng mag-retire ng maaga. Kailangan kang kumayod. Baliktad na baliktad kami kasi ano ako eh, workaholic.”

Bilang nabanggit nga ni Rachel ang kanyang pagiging adik sa trabaho, naikuwento niya rin na dahil diyan ay nagkaroon ng malaking adjustment ang kanyang mister lalo na noong una pa lang silang nagsasama.

Sey ng singer-actress, “To be honest, noong una inu-ultimatum ako ng asawa ko na parang, ‘ano ba ‘yan’ na parang, ‘you’re always away.’ Noong una, it was a source of conflict for us.”

“Pero later on, kasi ngayon we’re going on 11 years. So I think medyo nahimasmasan na siya. Parang na-realize niya na ito na ‘yun eh. This is it, you know. You just have to deal with it,” aniya.

“Mahirap talaga but I think the adjustment really came from his side. Kasi siya talaga ‘yung nahirapan. At first, talagang ‘this is not what I signed up for,’ parang ganun pa,” ani Rachel.

Si Carlos ay isang Spanish journalist at ikinasal sila ni Rachel sa Boracay noong 2011.

Related chika:

Hugot ni Rachel Alejandro: Relevant pa ba ako? Kakanta pa ba ako?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rachel Peters walang pagsisisi na mas piniling bumuo ng sariling pamilya kesa sa career 

True ba, Kabayan may problema sa kalusugan kaya biglang atras sa Eleksyon 2022?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending