Aiko Melendez nag-react sa trending ‘dedma’ issue ng celebrities: Give credit also to your fans na ini-idolo kayo

Aiko Melendez nag-react sa trending 'dedma' issue ng celebrities: Give credit also to your fans na ini-idolo kayo

Aiko Melendez

HANGGANG ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang mga Volleyball players na hindi namansin ng kanilang fans sa isang out of town trip nila.

Maraming kilalang personalidad na ang naglabas ng saloobin nila tungkol sa inasal ng mga nasabing players at may iba ring nagsabing kahit wala ka sa mood, sana man lang kumaway o ngumiti man lang.

Kabilang si Quezon City 5th District Councilor Aiko Melendez sa nagbigay ng kanyang payo at opinyon na rin para sa mga baguhan bilang ilang dekada na rin siyang nasa showbiz industry bago pinasok ang politika.

Nag-post kaninang umaga ang aktres/politico tungkol sa isyung pangi-snab o hindi pamamansin ng mga celebrity sa mga ordinaryong mamayan.

Aniya, “My take and View sa pagiging snob ng mga artista. Ako kasi kapag me bumabati sa akin o magpapapicture kahit gaano na ako kapagod pinagbibigyan ko.

“Ang rason ko lagi hindi naman naten alam kung first and last encounter mo na du’n sa taong ‘yun eh so ‘yung mga simpleng gestures like saying HI! Or pagbigyan ng picture taking ok lang yan.

“Hindi naman kawalan sa pagkatao n’yo ‘yan. P’wera nalang kung nasa ER ka ng hospital at hindi naman tama ang right timing p’wede ka tumanggi. Lahat me right timing eh.

“Like sa pagpunta sa mga lamay at patay as much as possible ayaw ko po nagpapa-picture sa tabi ng kabaong kasi bilang tanda ng aking respeto yun sa namatay at namatayan kaya du’n sa mga nagpapakuha inaaya ko sila sa ibang angle tara du’n tayo sa independent space.

“Ang Artista, Politicians, athletes influencers etc Considered as a Public figure give credit also to your fans na ini-idolo kayo ‘yung simpleng time mo. If you want your fans to respect your private time, I suggest don’t go to public places otherwise hindi mo talaga maiiwasan na me matuwa na nakakakilala syo ang mag hi and hello or papakuha ng picture sa inyo.

“Tandaan Humility! Fame is all temporary but right attitude lasts a lifetime 🙂 GOOD AM! Be nice and kind!”

Sa tagal na rin naming dito sa industriya ay isa si Aiko sa may magandang relasyon sa mga taong maliliit ang posisyon sa production dahil lahat ay binabati niya na may paggalang, hindi niya sinisino ang kaharap.

Nakita na rin naming siyang makitungo sa supporters na kahit malayo ay nagagawa niyang kumaway at ngumiti.

Kaya nang pasukin niya ang mundo ng politika ay napatunayan naman kung gaano karami ang nagmamahal sa kanya dahil natandaan ang lahat ng mga pakikitungo niya sa lahat na kahit hindi niya ka-distrito ay inaasikaso niya.

Related Chika:
Aiko: Hindi ako naghihirap pero hindi ko rin masasabing mayamang-mayaman ako…

Aiko nanawagan para sa mga delivery rider: Pabayaan n’yo na lang ang mga malilit na bagay…

Aiko Melendez ipina-retouch ang tattoo sa braso para muling ibandera ang pagmamahal kay Jay Khonghun

Read more...