Jane De Leon bumalik na sa trabaho, magaling na sa Dengue at UTI: Lavaaarn na!

Jane De Leon bumalik na sa trabaho, magaling na sa Dengue at UTI: Lavaaarn na!

PHOTO: Instagram/@imjanedeleon

BUMALIK na sa trabaho ang “Darna” actress na si Jane De Leon matapos gumaling sa matinding sakit.

Noong nakaraang linggo lamang ay inanunsyo ni Jane na na-diagnose siya ng dengue at urinary tract infection (UTI) matapos sumailalim sa ilang medical tests.

Humingi pa nga ng paumanhin ang aktres sa kanyang mga fans at followers dahil sa pagiging inactive sa social media.

Pahayag niya sa Instagram stories, “Hi everyone! Sorry if I’m not active lately. I’m still sick. I was tested positive with dengue and UTI.

“I won’t be able to reply but I promise to see you guys soon. Thank you for all the prayers.”

Anyway, healthy na ulit ang ating Darna at sa katunayan nga ay sumabak na ulit siya sa kanyang taping.

Ibinandera mismo ng producer ng hit fantasy-action series na “Mars Ravelo’s Darna” na JRB Creative Production ang litrato ni Jane na tila nakasalang na sa set.

May caption pa itong, “SHE’S BACK! (red heart emoji) #DarnaNoOnesArc ngayong gabi na! #Darna”

May Instagram post din mismo si Jane at masayang-masayang ibinalita na magaling na siya.

Lubos siyang nagpasalamat sa lahat ng pagmamahal at dasal na natanggap noong siya’y may sakit.

IG caption niya, “HELLO! I’m back! (white heart emoji)

“Thank you for all the love and prayers! Nagpapalakas pa rin pero lavaaarn na! (folded hands emoji)”

Maraming fans naman ang tuwang-tuwa sa latest update ng aktres at ilan sa kanila ay tila miss na miss ang kanilang iniidolo.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section.

“Finally! Welcome back Narda (red heart emoji)”

“Yesssssss!! GOD, thank you for answering all the prayers for Janehhhh…Welcome back babe. Sobrang namiss ka namin…”

“bb please get all the rest you need muna (worried face emoji) baka mabinat you huhu”

“Still ‘wag masyado magpagod po. Welcome back! (red heart emoji)”

Related chika:

LA Santos todo tanggol kay Jane de Leon laban sa bashers: Hindi n’yo lang alam kung ano’ng klase talaga siyang tao

Nagkakasakit din si Darna; Jane de Leon nadale ng dengue at UTI

Jane de Leon ibinandera ang bonggang birthday party: My special celebration is a success!

Read more...