Vhong Navarro nakalabas na, nagpiyansa ng P1 million para sa pansamantalang kalayaan | Bandera

Vhong Navarro nakalabas na, nagpiyansa ng P1 million para sa pansamantalang kalayaan

Therese Arceo - December 07, 2022 - 10:18 AM

Vhong Navarro nagpiyansa ng P1 million para sa pansamantalang kalayaan
MASAYANG-MASAYA ang asawa ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista matapos payagang makapagpiyansa ang TV host-comedian para sa pansamantala nitong kalayaan.

Nitong Martes ng gabi, December 6, naglabas na ang Taguig Regional Court branch 69 ng order for release ng “It’s Showtime” host na pansamantalang naka-detain sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Male Dormitory sa Taguig City.

Base sa order of release ni Vhong, “You are hereby directed to release from custody accused FERDINAND “VHONG” HIPOLITO NAVARRO for having filed the necessary cash bond in the amount of ONE MILLION PESOS (Php1,000,000) under Official Receipt No. 9022573 dated 06 December 2022, which cash bond is APPROVED by this court for his provisional liberty.

“This order is for the above-entitled case only and insofar as there exists no order in any other case to effect that he remain confined under your custody.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

Makikita rin sa naturang order of release ang mga petsa ng susunod na pagdinig sa kanyang kaso.

“Sobrang, sobrang happy. It’s going to be a blessed Christmas, di ba? A very good Christmas for the family,” saad ni Tanya sa kanyang panayam sa ABS-CBN News nang tuluyan na niyang sunduin si Vhong mula sa Taguig City Jail.

Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN News, kapansin-pansin raw ang pagpayat ng aktor at maririnig rin daw ang pag-cheer ng iba pang inmates ng “Vhong Navarro” noong pa samantala itong palayain.

Matatandaang umaga ng December 6 noong tuluyan nang payagan ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 ang petisyon ng Kapamilya TV host para makapag-bail at mabigyan ng pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang rape case na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo laban sa kanya noong January 2014.

Matatandaang noong Setyembre 19 nang pansamantalang ipiit ito sa National Bureau of Investigation Detention Center at noong November 21 nang ilipat ito sa Taguig City Jail.

Related Chika:
Vhong Navarro nakakulong na sa NBI detention center para sa kasong rape; abogado aapela para sa piyansa

Hiling ng kampo ni Vhong Navarro: ‘Sana makalaya na siya sa Pasko at makasama ang pamilya’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vhong Navarro ‘masusunog’ ang ipon, sey ni Cristy Fermin: ‘Wala na siyang programa, wala na siyang trabaho’

Kampo ni Vhong Navarro umaasang makakapagpiyansa ang TV host-comedian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending