Top 10 BANDERA showbiz chika na pinusuan, pinag-usapan at pinagpiyestahan nang bonggang-bongga Bandera

Top 10 BANDERA showbiz chika na pinusuan, pinag-usapan at pinagpiyestahan nang bonggang-bongga

Chris Gamoso, Ervin Santiago |December 06,2022
share this

Top 10 BANDERA showbiz chika na pinusuan, pinag-usapan at pinagpiyestahan nang bonggang-bongga

Chris Gamoso, Ervin Santiago - December 06, 2022 - 10:35 AM

Janice de Belen, Kris Aquino, Mel Sarmiento, Vhong Navarro, Willie Revillame, Sylvia Sanchez, Ice Seguerra at Heart Evangelista

ISKANDALO, hiwalayan,  bangayan, paistaran at mga nakakalokang pasabog ng mga pampa-good vibes na paandar ang bumandera sa mundo ng showbiz ngayong 2022.

Bago magtapos ang taon, naglista ang aming team ng Top 10 trending at most read/viewed showbiz chika sa BANDERA mula Enero hanggang sa unang linggo ng Disyembre.


Vhong Navarro at Willie Revillame

TOP 10

“Vhong napaiyak nang bigyan ni Willie ng P1-M bilang tulong matapos mabugbog at maospital”

Habangbuhay tatanawin ni Vhong Navarro ang tulong pinansyal na ibinigay sa kanya ni Willie Revillame nang maospital dahil sa panggugulpi ng tropa ni Cedric Lee matapos akusahan ni Deniece Cornejo ng pangagahasa.

Kris Aquino at Mel Sarmiento

TOP 9

“Kris pinatawad na si Mel Sarmiento; muling nag-sorry kay P-Noy”

Nai-in love uli ang Queen of  All Media sa dating DILG Sec. Mel Sarmiento pero ilang linggo lamang pagkatapos ibandera ang kanilang engagement ay nauwi rin ito sa hiwalayan.

“Iniwan niya ako.when I was at my lowest and ginawa niya ‘yun via text…I will just post screenshots of Mel’s last text message to me. After that you will never read or hear anything at all about him from me, because I still want to preserve whatever dignity I have left.”

Yilmaz Bektas at Ruffa Gutierrez

TOP 8

“Ruffa naloka sa sinabi ni Yilmaz nang muling makita ang 2 anak: ‘Wag kang mag-alala next mo silang makikita after 15 years din’”

‘Time heals all wounds’ ang drama ni Ruffa Gutierrez at ng ex-husband niyang si Yilmaz Bektas dahil makalipas ang mahabang panahon pinayagan na ng aktres na makita at makasama ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice ang kanilang ama. Move on, move on din pag may time, devah!

Ice Seguerra at Sylvia Sanchez

TOP 7

“Sylvia Sanchez nakaganti na kay Ice Seguerra, pasabog ang birthday gift: Bwahahaha! Akala mo, ha! Sexyyyy! Woot…wootttt!”

Pak na pak at bentang-benta sa mga netizens ang bardagulan nina Sylvia Sanchez at Ice Seguerra sa social media. Talagang laglagan kung laglagan ang churvahan ng dalawa na ikinaloka at kinaaliwan ng madlang pipol.

Kris Aquino at Cristy Fermin

TOP 6

“Cristy Fermin kay Kris: Kung ikaw ay may matinding sakit, bakit nakuha mo pa akong i-text nang milya-milya para lang sumbatan ako?”

Binuwetahan ng veteran entertainment columnist na si Cristy Fermin si Kris Aquino sa ginawa nitong pagsita sa kanya tungkol sa video kung saan binabatikos daw ng manunulat ang dalawa niyang anak. Pero fake news pala ang nakarating kay Kristeta

“Kris kung alam mo lang, may mga pagkakataon nga na mas mahaba pa ang dasal ko para sa iyo at para sa mga anak mo kaysa sa personal kong mga kailangan sa Diyos,” depensa ni Cristy Fermin.

Vhong Navarro

TOP 5

“Willie Revillame handang rumesbak para kay Vhong Navarro sa kinakaharap na kaso, chika ni Cristy Fermin”

Muling nagpahiwatig ng suporta kay Vhong Navarro si Willie Revillame sa kasong rape na kinakaharap nito.

“Noong umalis si Willie… noong magpasalamat po si Vhong sa Showtime sa mga taong tumulong sa kanya at sumuporta, hindi niya binanggit ang pangalan ni Willie at lumabas ang kwento na kaya raw hindi nabanggit ay dahil bawal,” ang chika pa ni Cristy Fermin.

Heart Evangelista

TOP 4

“Heart nagpakatotoo: Lahat ng naka-one-night stand ko nagiging kami”

In fairness, talagang pinag-usapan ng mga Marires all over the universe ang rebelasyon na ito ni Heart nang matanong kung nakipag-one-night stand na ba siya.

“I guess that was considered a one-night stand. Naging kami eventually. Lahat ng naka-one-night stand ko, naging kami,” ang pasabog na statement ng Kapuso actress.

Jed Madela

TOP 3

“Jed Madela tinawag na ‘bobo’, ‘tanga’ nang kumanta sa pa-thanksgiving ni Pangulong Duterte: Pangpatay daw kasi…”

Dahil lang sa pagkanta niya ng “You Raise Me Up” sa isang event, may nang-okray kay Jed Madela, “Someone called me TANGA and BOBO coz I sang YOU RAISE ME UP. Pang patay daw…Saang part kaya dun ang pang patay?

“Tsk tsk tsk. I pity this person… Haaaaay… Halika. Explain ko ang lyrics sa yo.”

Sylvia Sanchez at Ice Seguerra

TOP 2

Ice Seguerra ‘binantaan’ ni Sylvia Sanchez: May araw ka rin! Tandaan mo, gagantihan kita!

Bentang-benta talaga sa mga netizens ang nakakalokang panglalaglag ni Ice Seguerra sa nanay-nanayan niya sa showbiz na si Sylvia Sanchez. Isa ang istoryang ito sa trending at viral story ng BANDERA na pinusuan at ni-like ng ating mga loyal readers all over the universe. Kaya ang kanilang sigaw — BARDAGULAN PA MORE!

Janice de Belen

TOP 1

Janice sa kabit ng ex-husband: Pasalamat ka ako ang asawa dahil kung hindi, pwedeng patay ka na o na-deport ka na

And the winner para sa pinakabongga at pinakamaraming nakuhang views at comments ay si…Janice de Belen! Mukhang marami nga ang naka-relate sa mga hugot ng award-winning actress tungkol sa mga kabit, mistress, ahas o other woman.

Very obvious na mahilig talaga sa mga kuwentong kabitan ang mga Pinoy, lalo na kapag pinag-usapan na kung paano reresbak at gaganti ang mga niloko, pinagtaksilan at iniwan.

Vhong Navarro kinampihan ng ex-wife na si Bianca Lapus: The truth will prevail, walang iwanan…

Mommy Caring todo-iyak nang malaman ang pinagdaanang depresyon at anxiety ni Ice Seguerra

Vhong Navarro ‘masusunog’ ang ipon, sey ni Cristy Fermin: ‘Wala na siyang programa, wala na siyang trabaho’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending