Kiray Celis ayaw nang mag-post ng sexy dance video sa TikTok: I was so scared kasi…

Kiray Celis ayaw nang mag-post ng sexy dance video sa TikTok: I was so scared kasi...

Kiray Celis

BAKIT nga ba biglang itinigil ng Kapuso comedienne at social media influencer ang pagpo-post ng sexy dance video sa TikTok?

Nag-explain ang komedyana tungkol dito nang mag-guest siya kamakailan sa podcast ni Nelson Canlas kamakailan.

Ayon kay Kiray, inihinto na niya ang pagpo-post ng sexy dances sa TikTok dahil nais niyang maging responsableng socmed user lalo’t nalaman niya na pabata nang pabata ang kanyang fans and followers.


“Very careful kasi ako sa mga posts ko sa TikTok, sa mga dance ko sa TikTok.

“I was so scared, kasi one time may kuya na nagme-message na, ‘Alam mo ‘yung pamangkin ko super, lahat ng sayaw mo sa TikTok ginagaya niya.’ Sabi ko ‘How old po?’ ‘3 years old po.’ Oh my gosh!” pahayag ni Kiray na na-shock daw sa sinabi ng kanyang kausap.

“Ganoon na kababa ‘yung mga gumagaya at nanonood sa akin sa TikTok, kaya hindi na ako nagse-sexy dance,” chika pa niya.

Mas nagpo-focus daw siya ngayon sa mas wholesome at kuwelang video sa kaniyang social media accounts.

“Tinigil ko na po (pagpo-post ng mga sexy dance video). Kasi na-alarm ako na ‘Oh my gosh 3 years old.’

“Ayoko ring mangyari na maging ganu’n ‘yung mga pamangkin ko… Kasi nakikita ko po sa mga pamangkin ko, kung ano ‘yung nakikita nila or napapanood nila, ginagaya nila.

“So ayoko na mangyari na magsisi rin ako sa huli na, isa rin ako sa mga gumawa nu’n, eh. As much as possible, nilalayo ko po ang sarili ko sa ganoon,” paliwanag pa niya.

Shookt daw talaga si Kiray na pabata nang pabata ang kanyang fans, “Kaya kailangan kong maging responsible sa mga nanonood sa akin.”

Kiray Celis huminto sa pag-aaral, inuna ang pangangailangan ng pamilya

Kiray nagsusuot ng sexy OOTD hindi para bastusin at laitin: Allow me to be confident with my body

Janno nag-sorry sa pagpo-post ng social issues: Sadyang nakakalungkot lang talaga ang mga nangyayari sa bansa

Read more...