Gerald Anderson tuloy-tuloy ang ‘role’ bilang sundalo; pinasaya ang Aeta community sa Zambales

Gerald Anderson tuloy-tuloy ang 'role' bilang sundalo; pinasaya ang Aeta community sa Zambales

Gerald Anderson kasama ang mga kababayan natin sa Aeta community

TULUY-TULOY ang pagganap ng Kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson sa kanyang “role” sa tunay na buhay bilang isa sa mga  miyembro ng Armed Forces of the Philippines.

In fact, ginamit pa ni Gerald ang pag-aari niyang campsite sa mga kasamahang sundalo sa Philippine Coast Guard at Philippine Army na matatagpuan sa Zambales.

Matatandaang natapos ni Gerald ang kanyang military training noong 2019 at nabigyan ng ranggong private sa Army Reserve Component.


Kasunod nito, nagtuluy-tuloy pa ang pagtupad ni Gerald sa kanyang duties and responsibilities bilang sundalo hanggang sa maging bahagi na rin siya ng mga outreach programs ng Philippine Coast Guard.

Nakasabay ni Gerald sa kanyang training three years ago sina Elmo Magalona, Nash Aguas, Yves Flores at Jerome Ponce na nakasama niya sa Kapamilya series na “A Soldier’s Heart”.

Going back sa outreach program ng Team Gerald, ito’y para sa Aeta community sa isang lugar sa Zambales base na rin sa Instagram post ng binata last December 3.

Aniya sa caption ng mga ibinahagi niyang litrato sa IG, “Mission Complete – Outreach program with @coastguardph for the Aeta Community in Zambales. Thank you @theth3rdfloor Toy Drive & Commodore Jimmy Cheng of the Executive PCGA.  Base Camp @hayati_riverkampsite.”

Matatagpuan ang base camp kung saan ginanap ang charity event sa Hayati River Kamp Site na binuksan sa public last August.

Bukod sa campsite, si Gerald din ang nagmamay-ari ng katabi nitong Hayati Private Resort na ni-launch naman noong 2020.

Aljur tumaas pa ang respeto sa pulis, sundalo dahil sa ‘Mamasapano’: Nahirapan ako para sa kanila…

Enchong sumugal sa shrimp farm business; Erich ilang beses na ring nasaktan

Sharon ipinakilala ang isa pang ‘anak’ sa US: Napakaguwapo, iyan ang lahi namin!

Read more...