Janno nag-sorry sa pagpo-post ng social issues: Sadyang nakakalungkot lang talaga ang mga nangyayari sa bansa
HUMINGI ng pasensya ang singer-actor na si Janno Gibbs sa kanyang mga Instagram followers dahil sa kanyang madalas na pagpo-post ng mga social and political issues ng bansa.
Pagbabahagi ng aktor, naisipan lang naman niyang mag-post para sa mga taong kaparehas niya ng pananaw ngunit hindi maisatinig ang nararamdaman dahil takot magsalita.
“Nais ko pong humingi ng paumanhin sa mga followers ko na nagsasabing puro social at political ang posts ko lately,” saad ni Janno.
Dagdag pa niya, “Gusto ko lang po maghayag ng gustong sabihin ng iba ngunit hindi masabi. Sadyang nakakalungkot lang talaga ang mga nangyayari sa bansa.”
View this post on Instagram
Pagkukwento pa ni Janno, simula ngayong buwan ay muli na siyang magiging busy dahil magiging abala na siya muli sa kanyang upcoming movies at magre-release din siya ng mga kanta.
“Ito pong July ay magiging busy na po ano uli sa showbiz. May bago po akong mga movie at kanta,” sey ng aktor.
Magbabalik na rin daw siya sa pagpo-post ng mga good vibes content.
Kamakailan ay madalas na ngang mag-trending si Janno dahil sa kanyang mga social media posts lalo na ang kanyang hinaing ukol sa pagbabayad ng buwis.
May isa pa ngang netizens ang nag-reaxt at minura pa ang aktor dahil sa kanyang pagbabahagi ng opinyon.
Hindi naman ito pinalagpas ni Janno at talagang niresbakan ang naturang netizen.
“Oo vocal ako sa mga social at political views ko. Pero laging mahinahon, disente at may halong komedya. Dahil sa vocal ako, alam kong may kaakibat itong kritisismo at open ako dito. Handa ako sa masinsinang diskurso.
“Yun nga ang pakay ko e. Basta’t disente ang usapan. Pero kung bastos ka, marunong din ako nun, P*k*n*ng i*a mo ka!” matapang na saad ni Janno.
Sa ngayon ay burado na ang mga posts na ito ng aktor.
Related Chika:
Janno Gibbs minura ng basher dahil sa isyu ng pagbabayad ng buwis, agad rumesbak: Kung bastos ka, marunong din ako nu’n…
Janno Gibbs napahugot sa pagbabayad ng tax: Kawawa ang middle class
Janno Gibbs sinupalpal ang basher: I guess that’s how far your vocabulary goes
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.