Ang grupo ng mga customer na lumafang sa samgyupsalan
NAGPASABOG ng good vibes ang viral Facebook post tungkol sa ginawa ng grupo ng customers na lumafang sa isang samgyupsalan.
Pinusuan at ni-like nang sandamakmak na netizens ang nasabing FB post kung saan hinangaan nila ang pagpapakita ng malasakit sa staff ng pinuntahan nilang restaurant.
Ipinagmalaki ng mga empleyado ng nasabing samgyupsalan na ito raw anhg kauna-unahang pagkakataon na nakaengkuwentro sila ng mga ganu’ng klaseng customers.
Anila, kusang nagligpit at naglinis ng kanilang pinagkainan ang mga nasabing customers na talagang ikinagulat nila. Hindi raw talaga nila in-expect ang ginawa ng mga ito.
Ayon sa post ng “Tondoueño UNLI SamgyupWings 199,” “Shout out po sa grupong ito. Salamat po sa pag iwan ng malinis at maayos na lamesa.”
“Malaking tulong po ito sa ating mga crew… God bless po…” ang nakasaad pa sa nasabing FB post.
Iba’t ibang reaksiyon naman ang nabasa namin sa comment section mula sa netizens. Narito ang ilan.
“A simple act of kindness will make someone’s day. Be kind always.”
“For sure one of them works at the kitchen… Or one of his/her friends… kaya alam nila hirap ng mga service crew… big clap! Sana lahat maging kagaya nila.”
“Hindi naman yan required pero its a way of being responsible. Kahit pa sinabi mong nagbayad ka, ipakita mo rin kung paano ka magpasalamat at mag-ayos nang kinainan mo. Namana kasi natin ang ugali nating mataas sa mga Kastila kaya yung iba sa atin kung sino umasta.”
“Bakit nung ganyan ginawa namin ng mga kapatid ko dyan niligpit din namin mga ginamit namin imbes na maging grateful sila dahil nag help kami mag ligpit, kinalkal nila lahat thinking na may left over kami, ok lang naman un normal lang pero iba titig sa amin hahaha!”
“When a service crew ate in a different restaurant. Clean as you go naman po talaga dapat. Whenever I’m applying this kind of manners tapos kasama ko mga kamag anak ko or other friends ko, sasabihan pako ng dito kana kaya magtrabaho. Like what??! Wag niyo ko itulad sa inyo HAHAHA. Wag ko na daw linisin kasi may magliligpit naman daw nun. Gadd hindi ba pwedeng bawasan nalang natin yung workload nila?”
“Ganito din ginawa namin ng kapatid ko, niligpit namin pinagkainan namin peronag reklamo pa. Dapat dw hinugasan namin sabi ni nanay nung pag katapos namin mag almusal sa bahay.”
“Palagi akong ganito, pero ewan ko kung bakit pinapagalitan pa ako ng Ina ko. Kesyo nakakahiya raw. Pinag-talunan pa namin ito. No choice naman din siya kasi ginagawa ko pa rin.”
“Ganito dapat palagi kapag kumakain sa labas, mapa-karenderya man, fastfood, o restaurants. It’s courtesy. The fact that you have the liberty and financial capacity to eat at their establishment shows that you are most probably in a better situation financially than the service crew. The best you can do for them is make their jobs a little bit easier. Kindness is never wrong.”
Marvin Agustin tuloy ang negosyo kahit inireklamo; ititigil na ang pagde-deliver ng cochinillo
Vice Ganda namigay ng pera sa mga ‘It’s Showtime’ staff and crew: P5,000 bawat isa!
Sharon uminom ng totoong tequila sa body shot scene kasama si Marco; pinagtawanan lang ni Kiko