Xian Gaza love na love si Zeinab Harake pero ayaw pa niyang ligawan: Alam kong masasaktan ko lang siya…

Xian Gaza love na love si Zeinab Harake pero ayaw pa niyang ligawan: Alam kong masasaktan ko lang siya...

Xian Gaza at Zeinab Harake

SOBRANG mahal ng Pambansang Marites na si Xian Gaza si Zeinab Harake na lagi niyang ipino-post sa kanyang Facebook account.

Si Xian din ang umalalay noon kay Zeinab nang magkahiwalay sila ng ama ng mga anak niyang sina Bia at Baby Moon kaya masasabing malapit talaga sila sa isa’t isa

Nang magpunta si Zeinab sa Singapore kasama ang kapatid at kaibigan ay si Xian din ang nakasama nilang magwalwal at hindi pa hga roon natapos ang samahan nila.

Sa Dubai, UAE ay magkasama silang nagliliwaliw na parang “honeymooners”, pero hindi naman daw literal dahil wala silang relasyon.

Makikita rin na kinunan ni Zeinab ang kaibigang Marites habang nagsasayaw dahil sa kalasingan at may mga kuhang nasa isang tabi ng fire distinguisher at tila sumuka sa rami ng nainom.


Ayon kay Zian, kahit gustung-gusto niyang makarelasyon si Zeinab ay hindi pa niya kayang gawin dahil hindi pa siya sawa sa pagkabinata at ayaw niyang mawala ang maganda nilang pagkakaibigan.

Aniya, “Hindi ko pa nahahanap yung tamang tao para sa akin kasi ako mismo ay maling tao pa.

“Hindi ko pinu-pursue si Zeinab kasi alam kong masasaktan ko lang siya and I don’t want to lose her in my life. Mabuti pa na manatili kaming magkaibigan who got each other’s back kaysa immature relationship na mauuwi lang din sa hiwalayan,” pahayag ng social media personality.

Dagdag pa niya, “Darating din ‘yung panahon na magiging mature enough ako para pumasok sa isang seryosong relasyon and when that time comes, eh, sana wala pa siyang asawa.

“For now ay pagsasawaan ko muna ang aking pagkabinata sa iba’t ibang bahagi ng mundo while having her as my solid tropa na susuportahan ko sa lahat ng bagay.

“They can hate us all they want. They can attack us on all fronts. Siraan nila tayo hanggang gusto nila pero hinding-hindi nila tayo kayang pabagsakin. We remain on top while they are all barking from below.

“Thank you for the genuine friendship, Zeinab. I love you more than friends,” mensahe pa niya sa sikat na YouTuber at influencer.

Samantala, may post naman si Zeinab na masayang-masaya dahil binilhan siya ng mamahaling branded bag ni Xian bilang regalo.

Xian Gaza tinamaan kay Zeinab Harake: Will you eat biko with me?

Xian Gaza nagulat nang makita si Zeinab sa Singapore, nagkwentuhan at walwalan hanggang umaga

Zeinab Harake natatakot pasukin ang mundo ng showbiz, hindi kayang magpa-sexy: Kasi po babae ang anak ko…

Read more...