Ellen Adarna sa netizen na humingi ng payo ukol sa mga manloloko: ‘Di na uubra and advice sa ‘yo!

Ellen Adarna sa netizen na humingi ng payo ukol sa mga manloloko: Di na uubra and advice sa 'yo!
NI-REALTALK ng aktres at celebrity mom na si Ellen Adarna ang isang netizen na humihingi ng payo sa kanya patungkol sa taong nanloloko.

Nagkaroon kasi ng “question and answer” segment ang celebrity mom sa kanyang Instagram account kung saan sinagot niya ang iba’t ibang klaseng tanong mula sa mga netizens.

Isa nga sa napili ni Ellen ay ang tanong tungkol sa taong niloloko.

“Advice sa mga taong niloko ng ilang beses pero pinapatawad pa din ng paulit ulit?” saad ng netizen.

Habang binabasa nga niya ang tanong ng netizen at napapakunot ito ng noo at tila hindi makapaniwala sa tinatanong sa kanya ng netizen.

“Wala nang advice advice dai! Di na uubra ang advice sa ‘yo!” diretsahang saad ni Ellen.

“Isa kang tanga!” walang ka-abog abog na pagpapatuloy niya.

Matapos nga nito ay sinagot na ni Ellen ang iba pang tanong.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nang-real talk ang asawa ni Derek Ramsay sa madlang pipol.

Kilalang prangka si Ellen at kahit nga ang mga bashers nito ay tinutusta nito sa mga sagutan niyang maaanghang.

Kamakailan nga ay binara niya ang basher na pumupuna sa pag-aalaga niya sa kanyang mister.

Komento ng basher, “Unbelievable (crying face emoji)(face with open mouth emoji) I understand that maybe that’s her human nature, but what is your husband gone or going through is not a joke. How can you laugh on top of your lungs while your husband is suffering and chasing his breath. Oh Bless Him.”

Kaagad na bumwelta diyan si Ellen at sinabing hindi naman siya ang nag-aalaga kay Derek.

Sagot ng aktres, “@itsmeangelatan he was laughing at himself too so what’s your problem?! Are u the one taking care of him? No. God bless you and your judgements.”

Related Chika:
Ellen Adarna, Derek Ramsay natuloy na papuntang Africa kasama si Elias

Ellen Adarna tuluyan nang lalayasan ang showbiz, gusto nang magpabuntis kay Derek

Ellen Adarna bumwelta sa basher na pinuna ang pag-aalaga sa mister: Are u the one taking care of him?

Ellen Adarna nagpakabit ng IUD para hindi agad mabuntis ni Derek Ramsay

Read more...