Ellen Adarna, Derek Ramsay natuloy na papuntang Africa kasama si Elias | Bandera

Ellen Adarna, Derek Ramsay natuloy na papuntang Africa kasama si Elias

Therese Arceo |February 25,2022
facebook
share this

Ellen Adarna, Derek Ramsay natuloy na papuntang Africa kasama si Elias

Therese Arceo - February 25, 2022 - 10:53 PM

Ellen Adarna, Derek Ramsay natuloy na papuntang Africa kasama si Elias

NATULOY na ang paglipat ng mag-asawang sina Ellen Adarna at Derek Ramsay papuntang Africa para sa kanilang inaasam na honeymoon vacation nitong February 24.

Matapos ang kanilang selebrasyon nitong nakaraang buwan sa kanilang 1st anniversary bilang mag-dyowa ay lilipad naman sila ngayon para ituloy ang kanilang matagal nang planong honeymoon sa naturang bansa.

Kasama rin ng dalawang lumipad patungong Africa ang anak ni Ellen sa aktor na si John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Ellen ang kanilang litrato habang nasa airport at nag-aantay ng kanilang flight papunta sa kanilang honeymoon destination.

“Honeymoon pero naai baon + referee @jessamucho,” saad ng aktres sa kanyang caption.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)

Sa separate post naman ni Derek ay ipinost niya ang larawan nila ni Ellen na may caption na “We are going on our honeymoon baby!!!!”

Buhat nang ikasal ang dalawa noong Nobyembre 11 ay hindi pa nagkakaroon ng honeymoon ang dalawa marahil na rin dahil sa banta ng nakahahawang sakit na COVID-19.

Matatandaang binanggit rin noon ni Derek sa isang interview kung bakit nais nilang isama ang anak sa kanilang magiging honeymoon.

 

“Gusto naming ma-experience ni Elias ‘yung mae-experience namin ni Ellen… kung nando’n kami [at hindi kasama si Elias] tapos ‘yung makikita namin iwi-wish namin na siyempre makita ni Elias, para ma-experience rin niya,” saad ng aktor.

 

Sa tanong naman kung bakit hindi makakasama sa kanilang honeymoon trip ang anak ni Derek na si Austin, conflict daw ang schedule nila dahil kasalukuyang nag-aaral ito, ayon rin sa aktor.

 

At kanina nga ay muling nag-update si Ellen na nakarating sila nang safe sa kanilang destination.

24 hours nang walang ligo 😂 #arrived,” sey ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami naman ang looking forward sa magiging trip ng tatlo at marami rin ang excited at masaya sa kanilang magiging adventure kasama ang cute na cute na si Elias.

 

Related Chika:
Derek, Ellen tuloy ang honeymoon sa Africa kasama si Elias
Derek mas bumongga ang buhay dahil kina Ellen at Elias: It’s perfect! I love you baby!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending