Park Seo Joon bibida sa isang Marvel film, ipapalabas na sa July 2023

Park Seo Joon bibida sa isang Marvel film, ipapalabas na sa July 2023

PHOTO: Instagram/@bn_sj2013

EXCITING news para sa fans ng South Korean actor na si Park Seo Joon!

May petsa na kasi ang Marvel movie na tampok ang Korean actor.

Kung matatandaan, una nang kinumpirma ng Korean media outlet na Soompi na isa si Seo Joon sa mga bagong aabangan pagdating sa Marvel Cinematic Universe.

Tampok ang aktor sa upcoming sequel ng “Captain Marvel” na pinamagatang “The Marvels.”

Sa katunayan, noong Agosto lamang ay umalis ng South Korea ang aktor para sa Marvel movie ngunit hindi sila nagbigay ng detalye para kumpirmahin ito.

Pahayag pa ng ahensya, “We thank the many people who have shown interest and support for Park Seo Joon as he takes on this new challenge.”

Dagdag pa nito, “We are well aware that many people are curious about the name of the film in which he will be appearing, his character, the filming location, and his filming schedule, but we plan to reveal the details of the movie at a later date.”

Samantala, Ayon sa latest news ng Soompi, ibinunyag ng Disney na ang sequel ay ipapalabas na sa July 2023.

Ang mga makakasama ni Seo Joon sa “The Marvels” ay ang mga bidang sina Brie Larson, Iman Vellani, Teyonah Parris, Samuel L. Jackson, at marami pang iba.

Wala pang ulat kung ano ang magiging role ni Seo Joon sa pelikula, pero may kumakalat na tsismis na siya ang gaganap sa Korean-American teen hero na si “Amadeus Cho.”

Si Seo Joon ang ikatlong Korean actor na nakasama sa Marvel movie.

Ang mga nauna na sa kanya ay si Claudia Kim na kasama sa “Avengers: Age of Ultron,” at si Ma Dong Seok na nasa “Eternals.”

Ang iba pang Marvel movies na nakatakdang ipalabas next year ay ang “Ant-Man and the Wasp: Quantumania,” at “Guardians of the Galaxy Vol. 3.”

Related chika:

Park Shin Hye, Choi Tae Joon ikinasal na!

Vince Tañada tatapatan ng ‘Katips’ ang ‘Maid in Malacañang’ ni Darryl Yap

Isko Moreno sa pagtatapat ng ‘Yorme’ at ‘Eternals’ ng Marvel: Malaking challenge, pero…

Read more...