PUMANAW na ang aktres at tinaguriang “The Queen of Kundiman” na si Sylvia la Torre nitong December 1, sa edad na 89.
Ito ay mismong kinumpirma ng kanyang apo na si Anna Maria Perez de Tagle sa kanyang social media post.
“RIP to my grandmother, Ms. Sylvia La Torre Perez de Tagle.- First Lady of Philippine Television, Queen of Kundiman and Tandang Sora Awardee, devoted wife of Dr. Celso Perez de Tagle, loving mother, grandmother and great-grandmother, caring auntie, and affectionate friend, died peacefully in her sleep on December 1st at 7:02 am. At the time of her death, she was with her husband, of 68 years and her children, Artie, Bernie and Che-Che,” pagbabahagi ni Anna Maria.
Kuwento pa niya, ang kanyang lola raw ang naging inspirasyon niya sa kanyang pagkanta at pag-arte.
Si Sylvia rin daw ang nagsilbing unang vocal coach niya at nagturo sa kanya ng kundiman.
“My grandmother was my first inspiration when it came to singing and acting. She was my first vocal coach and taught me all of her kundimans. Thank you for passing on your love of music to me and I will surely continue your legacy. Gone too soon but always in our hearts. Your song has ended but your melody will linger on. Love you Mama Cita,” pagpapatuloy ni Anna.
Mas lalo pang nakilala si Sylvia noong 1960s dahil sa kanyang radio programa na “Tuloy ang Ligaya” at naging parte rin siya ng hit noontime program noon na “Oras Ng Ligaya”.
Lumabas rin siya sa maraming pelikula gaya ng “Ulila ng Bataan”, “Ang Asawa Kong Americana”, “Buhay Pilipino”, “Nukso Nang Nukso,” at “Tang-Tarang-Tang.”
Siya rin ang boses sa mga sikat na classic Filipino songs gaya ng “Maalaala Mo Kaya”, “Paskong Anong Saya”, “Waray Waray”, “Sa Kabukiran”, at marami pang iba.
Related Chika:
‘Oldest Pinoy’ Lola Francisca Susano pumanaw na sa edad 124
Susan Roces pumanaw na sa edad 80, buong showbiz industry nagluluksa
Beteranang komedyana na si Flora Gasser pumanaw na
Cherie Gil pumanaw na sa edad na 59