Beteranang komedyana na si Flora Gasser pumanaw na
SUMAKABILANG-BUHAY na ang veteran character actress na si Flora Gasser kahapon, November 21.
Kinumpirma sa publiko ng pamilya ng beteranang komedyana ang malungkot na balita sa pamamagitan ng social media.
Ayon sa FB message ngvapo ng aktres na si Valerie Ocampo, “Our Lola, Flora Gasser, passed away yesterday and is now with the Lord and with our Lolo Harry.
“Her wake will be at Room 304, St. Peter’s Chapel Commonwealth, QC.
“Viewing will start today (Nov 20, 2022) at 3pm onwards until Nov 22, 2022. Thank you for your condolences,” sabi pa ni Valerie.
“Rest in God’s arm, Lola Flora. Mahal ka po namin. I know magkakasama na kayo ni Mommy and Lolo dyan sa taas.
“Thank you for being the funny and caring Lola. You will be missed. I’m sorry hindi ako naka abot magbigay ulit ng pang granola and milk mo like the last time.
“I will always be proud na may lola akong artista hehe,” ang pahayag naman ng isa pang kapamilya ni Flora Gasser na si Sarah Aguinaldo.
Si Flora Gasser ay asawa ng yumao na ring broadcaster at news anchor na si Harry Gasser na pumanaw noong April, 2014.
Ilan sa mga pelikulang nagawa ni Flora Gasser ang “Annie Batungbakal,” “Batang Z” at “Kumander Bawang.” Huling napanood ang yumaong aktres sa short film na “Nene” noong 2020.
Susan Roces: Talagang ganyan ang buhay, tanging Diyos lang ang nakakaalam ng lahat…
Kilalang aktor tinanggihang makasama sa pelikula ang magaling na komedyana
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.