Zsa Zsa Padilla ibinandera ang first impression kay Yael Yuzon: Ang image kasi niya rocker, di ba? Naku, baka chick magnet?! Bandera

Zsa Zsa Padilla ibinandera ang first impression kay Yael Yuzon: Ang image kasi niya rocker, di ba? Naku, baka chick magnet?!

Ervin Santiago |December 01,2022
share this

Zsa Zsa Padilla ibinandera ang first impression kay Yael Yuzon: Ang image kasi niya rocker, di ba? Naku, baka chick magnet?!

Ervin Santiago - December 01, 2022 - 07:36 AM
Zsa Zsa Padilla ibinandera ang first impression kay Yael Yuzon: Ang image kasi niya rocker, di ba? Naku, baka chick magnet?!

Karylle, Yael Yuzon at Zsa Zsa Padilla

INAMIN ng nag-iisang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ang naging “first impression” niya noon kay Yael Yuzon, ang asawa ng anak niyang si Karylle.

Sa harap mismo ng bokalista ng bandang Sponge Cola diretsahang sinabi ni Zsa Zsa na may pangamba siya na baka babaero ang OPM artist at lapitin ng mga babae.

Magkasamang nag-guest sa Kapamilya morning show na “Magandang Buhay” sina Zsa Zsa at Yael at dito nga nagkuwento ang veteran singer-actress tungkol sa mister ni Karylle.

Last March, nag-celebrate ang celebrity couple ng kanilang ika-8 anibersaryo bilang mag-asawa. At in fairness, until now ay solid na solid pa rin ang kanilang relasyon.

Ayon kay Zsa Zsa, sobra ang pasasalamat niya sa Diyos dahil nakakita ang kanyang panganay na anak ng awang tulad ni Yael. Talagang nakikita raw niya kung paano nitong alagaan si Karylle.

“Unang-una minahal mo (Yael)  talaga nang lubusan si Karylle. Tinatrato mo siya maigi at nakikita ko na talagang pina-prioritize mo siya.

“Napakasipag ni Yael. Magandang trait ‘yun kasi alam ko na maalagaan niya ang anak ko nang husto. At saka mapagbigay siya kay Karylle,” ang papuri ng singer-TV host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Karylle (@anakarylle)


Kasunod nito, inalala nga ni Zsa Zsa yung panahong nagsisimula pa lamang ang relasyon nina Yael at Karylle at kung paano siya nagduda sa ugali at personalidad ng frontman ng Sponge Cola.

“Kasi ang image niya hindi ba rocker? Siyempre naisip ko ‘naku, chick magnet kaya ito?’

“Natanong ko pa yata kay K (palayaw ni Karylle) ‘yon eh. Naalala ko lang ngayon ‘chick-magnet?’ Marami bang girlfriend si Yael kasi hindi ba kapag banda habang kumakanta hinahangaan,” chika ni Zsa Zsa.

“Yung image niya rin kasi hindi ba may angas? Astig ang mga rock star pero oh my God kapag nakilala niyo si Yael, he is such a softie.

“He has a soft heart kumbaga talagang napaka-gentle niya,” papuri pa niya sa kanyang son-in-law.

Bukod kay Yael, sinorpresa rin ni Karylle ang kanyang ina sa personal na pagpunta niya sa studio ng “Magandang Buhay”.

Ikinasal sina Yael at Karylle noong 2014 sa San Antonio ng Padua Church sa Silang, Cavite. Wala pa ring anak ang mag-asawa until now pero mukhang hindi naman ito big deal sa kanila dahil maligayang-maligaya pa rin sila sa piling ng isa’t isa.

Bagong kanta ng mag-asawang Karylle at Yael alay sa mga kababaihan, mangingisda

First impression ni Andrea Brillantes kay Ricci Rivero: ‘Mayabang, suplado, akala mo kung sino’

Vice nagparamdam: Karylle may plano na nga bang layasan ang Showtime?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending