Bagong kanta ng mag-asawang Karylle at Yael alay sa mga kababaihan, mangingisda | Bandera

Bagong kanta ng mag-asawang Karylle at Yael alay sa mga kababaihan, mangingisda

Ervin Santiago - February 21, 2022 - 07:57 AM

Karylle at Yael Yuson

ISA pang celebrity ang patuloy na nakikipaglaban para sa kanyang mga napiling adbokasiya — yan ay ang TV host-singer at aktres na si Karylle.

Sa katunayan, makabuluhan at napapanahon ang bagong single ni Karylle Tatlonghari na may titulong “Bayaning Mangingisda —Kababaihan” na siguradong maipagmamalaki ng bawat Filipino.

Ang tema nito ay “pagtatanggol at pagprotekta sa mga Pilipinong mangingisda at magsasaka at sa puwersa ng kakababihan.”

Ayon kay Karylle, isinulat niya ang kanta upang ipaalala sa publiko na ipaglaban ang karapatan ng mga mangingisda at magsasaka, tangkilikin ang lokal na produkto, at suportahan din ang Philippine Coast Guard (PCG).

Sa panayam, sinabi ng anak ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla na ang grupong Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) ang “utak” sa likod ng nasabing awit, na collaboration sa pagitan niya at ng asawang musician na si Yael Yuzon, isa sa mga miyembro ng bandang Spongecola.

Chika pa ng singer, napanood ng pangulo ng PRRM na si Edicia dela Torre ang performance niya sa anniversary presentation ng “It’s Showtime” kung saan women empowerment ang naging tema ng kanilang grupo.

“Gusto raw niya na mabigyan ng recognition ang mga farmers at fisher folk, na gaya ng mga doktor, nars, at iba pang essential workers, ay mga bayani rin ng pandemya,” pahayag ni Karylle.

View this post on Instagram

A post shared by Yael Yrastorza Yuzon (@yaelyraz)


Samantala, sinabi ng singer na sa pamamagitan ng bago niyang kanta at ng music video nito ay mararamdaman ng mga mangingisda at magsasaka na nakasuporta sa kanila ang mga Filipino sa kabila ng mga isyu sa West Philippine Sea.

“’Yung nagkita-kita kami at nagsama-sama roon. Malalaman nila at mararamdaman nila na hindi sila nag-iisa,” dagdag ni Karylle.

Bukod kay Karylle, kasama rin niya sa music video ng “Bayaning Mangingisda—Kababaihan” ang  Spongecola, mga miyembro ng PCG, at mga mangingisda habang nasa background ang West Philippine Sea.

“Maliban sa mahalaga na suportahan ang produkto ng mga mangingisda at magsasaka, malinaw din sa music video na atin ang West Philippine Sea,” dagdag pa ng singer at host ng “It’s Showtime.”

Panoorin dito ang music video:

https://bandera.inquirer.net/282372/vice-nagparamdam-karylle-may-plano-na-nga-bang-layasan-ang-showtime

https://bandera.inquirer.net/282431/karylle-walang-balak-layasan-ang-showtime-labs-na-labs-ang-madlang-pipol

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/299193/kim-nagbigay-pugay-sa-mga-atletang-pinoy-mabuhay-ang-lahat-ng-mga-babae

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending