Claudine Barretto humiling ng dasal sa mga fans bago operahan sa hita

Claudine Barretto humiling ng dasal sa mga fans bago operahan sa hita

Claudine Barretto

SUMAILALIM sa operasyon ang aktres na si Claudine Barretto kahapon, November 28, base sa ipinost niyang video sa Instagram.

Humiling ng dasal si Claudine sa kanyang mga fans at social media supporters bago siya operahan sa hita.

Mapapanood sa ibinahagi niyang IG video ang pagdadala sa kanya sa operating room habang naka-wheelchair. Pagkatapos ay inilipat na nga siya sa isang hospital bed.

“It’s almost 5 a.m. and I’m here at St. Luke’s Global to have an operation on my thigh.

“The operation would be at 7 a.m. Wish me luck and pray for me,” ang pahayag ni Claudine. Wala siyang ibinigay na karagdagang detalye tungkol sa kanyang kundisyon at kung bakit siya ooperahan sa hita.


Sa isa pa niyang post, nagpasalamat din si Claudine sa lahat ng mga taong patuloy na nagmamahal at nagdarasal para sa kanyang mabilis na recovery.

Marami namang nagpahatid ng mensahe kay Claudine nang malamang sasailalim siya sa operasyon. Nangako ang mga ito na isasama siya sa kanilang panalangin.

Ilan sa mga celebrities na nagpakita at nagparamdam ng kanilang pag-aalala sa aktres ay sina Lorna Tolentino, Baron Geisler at Princess Punzalan.

Nauna rito, nag-post din si Claudine sa IG ng kanyang litrato habang naka-confine sa ospital. Hindi rin niya nabanggit kung ano ang kanyang karamdaman pero siniguro ng aktres na hindi COVID-19 ang tumama sa kanya.

Trina Legaspi humiling ng dasal para sa mga kapamilya na tinamaan ng COVID-19

Hugot ni Claudine tungkol sa taong ‘sinungaling’, ‘ipokrita’ para nga kaya kay Julia?

Sharon Cuneta humingi ng dasal, apat sa pamilya positibo sa COVID-19

Read more...