Jennylyn sa nabiling karne ng baboy: ‘Question lang bago namin lutuin, safe pa rin ba kahit ganito itsura ng meat n’yo?’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Dennis Trillo at Jennylyn Mercado
IBA’T IBA ang naging reaksyon ng mga netizens nang mag-post ang Kapuso actress at TV host na si Jennylyn Mercado tungkol sa nabili niyang karne ng baboy.
Nagtanong kasi ang misis ni Dennis Trillo sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kung safe pa bang lutuin at kainin ang pork na binili niya sa isang sikat na supermarket.
Makikita sa litratong ipinost ni Jennylyn ang itsura ng karne ng baboy na parang nangingitim at tuyot na tuyot na. Tinag pa ni Jen ang supermarket kung saan niya ito nabili.
Kung ang pagbabasihan ay ang picture na ibinahagi ng aktres, ayon sa mga netizens, mukhang hindi na nga ligtas na lutuin at lafangin ito.
“Hello @snr_official, quick question lang bago namin lutuin, safe pa rin ba kahit ganito itchura ng meat n’yo?” ang text caption ni Jennylyn sa nabiling meat ng baboy.
Sa huling pagtse-check namin sa Instagram page ni Jen ay wala pa siyang ibinibigay na update hinggil dito. Wala pa ring official statement ang supermarket na tinutukoy ng Kapuso star.
Narito ang ilang nakita naming reaksyon na netizens sa social media:
“Nakapack na yan with cling wrap, di tulad sa palengke na mabubuklat mo. Maybe yung part na yan ay yung ilalim na hindi kita.”
“You need to choose talaga meticulously. Kasi sa chillers nila may mga ganyang nakalagay so hindi mo sya pipiliin. Pwede rin na kung sa physical store sya bumili, baka inuna nya ang meats tapos lumibot pa para bumili ng other goods. Na-expose na yung meat. Kaya last dapat meat ang bilhin then proceed to cashier na.”
“Dapat ipakita mo kung saan mo nabili at andon yung snr tsaka resibo. Baka mademanda ka nyan. Tapos bakit hindi mo ireklamo nalang muna sa snr mismo. Bakit isocial media agad? Gagawa pa sila ng official statement.”
“Huh?? Tingin mo gagawa pa sya ng story dyan??!? Saka yang mga companies need yan pa soc med bago umaksyon. And good thing na dn malaman ng madami may ganyan pala sila.”