Pacquiao namakyaw ng mga paninda sa Guadalupe Market; netizens iba-iba ang reaksyon | Bandera

Pacquiao namakyaw ng mga paninda sa Guadalupe Market; netizens iba-iba ang reaksyon

Ervin Santiago - November 17, 2021 - 02:06 PM

Manny Pacquiao

PARANG eksena sa pelikula at teleserye ang nangyari sa pagbisita ni Sen. Manny Pacquiao sa isang palengke sa Makati City kaninang umaga.

Talagang pinagkaguluhan ng mga tao ang Pambansang Kamao nang malamang namamakyaw siya ng mga itinitindang isda, karne at gulay sa Guadalupe Public Market sa Makati City kasama ang ilan sa kanyang security staff.

Pinalibutan agad ang presidential candidate ng mga namamalengke roon at ng mga fish and meat vendor base na rin sa isang video na ipinost sa official Facebook page ng senador.

Makikita sa nasabing video si Pacman habang pinapakyaw ang mga isda, gulay at karne ng mga masusuwerteng tindera sa palengke.

Napanood din nang live sa  Instagram story ang pagpunta ni Pacquiao sa Guadalupe Public Market. Dito nga makikita ang pagbili ng boxing champ ng iba’t ibang klase ng isda na nagkakahalaga ng P1,700.

Ngunit sa halip na bayaran nang eksaktong halaga ang mga ito ay inabutan ni Pacman ng P3,000 ang tindera na talaga namang feeling naka-jackpot sa sobrang katuwaan.

Bukod dito, lahat ng vendor na binilhan ng senador sa nasabing palengke ay may pabonus na P1,000.

Sa isang bahagi pa ng video ay may babaeng nagsalita at pinuri-puri si Pacquiao. Anito, “Para maiba naman, Manny Pacquiao for President! Maka-Diyos! Makatao! Salamat po!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao)


Samantala, iba-iba naman ang reaksyon ng mga nakapanood sa IG at FB Live ng senador. May mga nagtanong kung panunuhol o vote-buying ba ang ginawa ni Pacman dahil nga tatakbo ito sa pagkapangulo sa May, 2022 elections.

Ngunit ipinagtanggol din siya ng ilang netizens at nagsabing hindi panunuhol ang kanyang ginawa kundi pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa dahil sariling pera naman daw nito ang kanyang ginastos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Sen. Pacquiao hinggil dito. Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag at depensa ng senador sa negatibong reaksyon ng ilang netizens.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending