Ion Perez inialay kay Vhong at sa kapatid na may stage 4 cancer ang birthday wish: Kapit lang kayo mga ‘tol, tuloy ang laban

Ion Perez inialay kay Vhong at sa kapatid na may stage 4 cancer ang birthday wish: Kapit lang kayo mga 'tol, tuloy ang laban

Vhong Navarro at Ion Perez

ION Perez celebrated his birthday sa “It’s Showtime” last Saturday.

He was kinda emotional dahil sa dalawang taong malapit sa kanya.

Inalay niya ang kanyang birthday wish sa kasamang si Vhong Navarro na kasalukuyang nakakulong sa Taguig dahil sa kasong kinakaharap nito na isinampa ni Deniece Cornejo.

“Unang-una ay iyong si Brad Vhong, kasi tol, kapit ka lang. Kasi dumating din ako sa sitwasyon na ganiyan na feeling mo tinalikuran ka ng mga tao,” emosyonal na say ni Ion.

Pinayuhan niya si Vhong na ‘wag mawawalan ng pag-asa.

“Wag ka lang bumitaw, tol. Kapit ka lang. Kumapit ka lang sa paniniwala na may mabubuti pa ring tao, tol,” say niya


Ang next wish naman niya ay para sa sister niya who is suffering from stage 4 cancer.

Tulad ng payo niya kay Vhong, sinabi ni Ion na sana ay hindi sumuko ang kanyang ate sa laban nito against the Big C.

“Kapit lang din tol sa ate ko na may pinagdadaanang sakit ngayon–stage 4 cancer.

“Ate, kung nanood ka man, wag kang sumuko dahil gusto kong makabawi sa ‘yo sa lahat ng sakripisyo mo sa akin.

“Kapit lang, ate. Kasi gusto na niyang sumuko pero sabi ko, ‘Kapit lang, ate, kasi gusto ko makabawi sa ’yo.

“Kasi sa loob ng ilang taon, mas pinili niyang tulungan kami kaysa magkaanak, kaysa magkapamilya. Sinacrifice niya buong buhay niya, sana lumaban ka,” say niya.

Hunky young actor malakas ang kapit kay pa-girl na direktor, magdyowa na nga ba?

Eian Rances nagpatutsada kay Alexa, bwelta ni KD: Marites ka pa rin tol!?

Arjo Atayde ibinandera ang pagmamahal kay Maine Mendoza: Looking forward to celebrating all your birthdays with you!

Read more...