Hunky young actor malakas ang kapit kay pa-girl na direktor, magdyowa na nga ba? | Bandera

Hunky young actor malakas ang kapit kay pa-girl na direktor, magdyowa na nga ba?

Ervin Santiago - May 27, 2021 - 02:53 PM

IBANG level na ang sweetness ng pa-girl na direktor at ng isang young actor.

Pero ayon sa aming source, hindi siya sure kung totoo o “fake news” lang ang ipinakikitang paglalambing  ng binata kay Direk o kailangan lang niya itong gawin para magka-project.

Pwede rin naman daw kasi na super bet lang talaga ng pa-girlalu na direktor ang hunky young actor kaya bitbit niya ito sa mga bago niyang project.

Iba talaga ang nagagawa ng katawan. May “kalandian” din kasi talaga ang binatang ito lalo na raw sa mga beking magagamit niya para magkaroon ng trabaho.

Sabi ng aming kausap, talagang hinayaan na lang siya ng kanyang management na magkalat pati na ang iba pa nilang mga alagang aktor.

Halos lahat daw kasi ng mga artist ng nasabing talent management ay involved sa malalaswang activities kapalit ng pera.

Kwento pa ng source, may pagka-character actor ang binata na pwede n’yang magamit sa mga casting kaso raw ay unti-unti na ring yumayabang kagaya ng dati n’yang kasamahan.

Dahil kaya ito sa mga taong nakakasama niya ngayon sa showbiz o baka sa mga nakapaligid sa kanya na walang itinuturong maganda?

Wala bang character development program ang kanilang management? Or hindi man lang tinatapik kapag napapansing nalulunod na sa isang basong tubig ang mga talent nila?

Dagdag ng source, kapag hindi ‘yan naturuan agad ng leksyon, magiging katulad din siya ng dating kasamahan na biglang nanega ang career dahil sa kayabangan.

Pahabol pang chika ng aming kausap, sa ngayon kapit na kapit ang aktor kay direk at sila lamang ang nakakaalam kung may relasyon ba sila o wala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero napansin na ng mga tao ang kanyang attitude na kapag lumala nang lumala ay siguradong “waley” at “nganga” ang aabutin niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending