Student-model ibabandera ang Pilipinas sa Miss Business Global pageant sa Vietnam | Bandera

Student-model ibabandera ang Pilipinas sa Miss Business Global pageant sa Vietnam

Armin P. Adina - November 29, 2022 - 10:23 AM

Mariel Baltazar

Mariel Baltazar/ARMIN P. ADINA

 

ISANG mag-aaral ng international tourism sa Lyceum of the Philippines sa Maynila ang kakatawan sa Pilipinas sa unang edisyon ng Miss Business Global pageant sa Vietnam sa susunod na buwan.

Tinanggap ng 19-taong-gulang na si Princess Mariel Baltazar ang korona niya bilang Miss Business Global Philippines sa isang pagtitipong isinagawa sa Pandan Asian Café sa Quezon City noong Nob. 28 mula kay Ovette Ricalde, isa sa national directors ng pandaigdigang patimpalak para sa Pilipinas.

Nilinaw ni Ricalde na maaaring magkaroon ang isang bansa ng tatlong kinatawan sa Miss Business Global pageant. Nakapili na ng isang kandidata ang isa pang national director, si Shandy Montecarlo, habang dalawa naman ang kandidata niya, at si Baltazar na ang isa.

“I think Miss Business Global is related to women empowerment, especially in the business industry. I think it’s a huge factor where we can empower them, because women are being discriminated and downgraded. And I will use this platform to help the people around me,” ani Baltazar.

Mariel Baltazar

Mariel Baltazar/ARMIN P. ADINA

Nang tanungin ng Inquirer kung ano sa palagay niya ang naging pinaka-essential na negosyo nitong pandemya, tinukoy niya ang industriya ng medisina, “because we get to protect, and help other people who are in need, especially the young ones and the infants, whose health we need to protect. We need a lot of support for the medical industry. That is why I am very thankful and grateful for our nurses and doctors.”

Matagal nang nagmomodelo ang mag-aaral na nakatira sa Quezon City, at pinangungunahan ang proyektong “Para Kay Nanay” na naglalayong magbigay ng tulong-pinansyal at -emosyunal sa mga single mother na tulad ng ina niya.

Nakatakda siyang lumipad sa Dis. 13, at sasamahan ng ina niya, manager, makeup artist, at stylist sa kapit-bansa.

Susunod si Ricalde sa Dis. 19 upang mahabol ang coronation program na itatanghal sa Ho Chi Minh City sa Dis. 20.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending