Korina Sanchez plano na nga bang mag-retire makalipas ang 3 taon: Kailangang umabot ako ng 120 years old para sa mga anak ko!
NANGAKO ang award-winning broadcast journalist at TV host na si Korina Sanchez na after three years ay plano na niyang mag-focus sa kanyang pamilya.
Mahigit 25 taon nang namamayagpag sa mundo ng pagbabalita at paggawa ng mga napapanahon, makabuluhan at pampa-good vibes na dokumentaryo.
At in fairness naman kay Ate Koring, maingay na maingay pa rin ang kanyang pangalan at patuloy na pinag-uusapan sa mundo ng social media at iba pang platforms.
Dalawa ang TV show ngayon ni Korina sa magkaibang network, ang “Korina Interviews” sa NET25 at “Tiktalks” sa TV5 na siya rin ang producer. Kaya naman talagang hataw ang career niya ngayon.
Ani Ate Koring sa mahigit dalawang dekada niya sa news and current affairs, “Forever ‘yun. Hindi naman nawala ‘yun. Kumbaga, para kasing doon ako tumatatak ng 25 taon hindi ba? Sa hard news.”
Sa ngayon, super enjoy daw siya sa pagho-host ng magazine show at talk show, “I am really enjoying the lighter side of things because honestly, I really don’t take myself that seriously.
“Kasi sa news kailangan siyempre seryoso, factual. A whole organization is behind every news item. But as a person, if you take yourself that seriously, talagang life is short,” sey pa ng misis ni Mar Roxas.
Dugtong pa niya, “And I want to live very long kasi maliliit pa ‘yung mga anak ko. Three years old pa lang sila. I have to be one-hundred twenty years, kaya kailangan maraming tawanan.”
Sa isang panayam, nabanggit nga niya na may promise siya sa kanyang pamilya hinggil sa balak niyang pagtigil sa pagtatrabaho sa telebisyon in next three years.
“That’s a question I ask myself, every day, these days. Pero ang paalam ko naman kasi sa pamilya ko, sa asawa ko, just give me three years to do everything that I want to do.
“Kasi siyempre, kailangan na din ng mga bata ng tutok. Pero feeling ko naman, with the quality time that I spend with my kids, gusto ko rin makita ni Pilar, eh, later on, kapag nakita niya autobiography ko, lahat ng mga pinaggagawa ng nanay niya, na palagay ko ganito dapat, na hangga’t may maibibigay ka, ibigay mo,” sey pa ng premyadong broadcast journalist.
Samantala, very conscious din daw siya ngayon sa kanyang health, “I assure you, I have eight to ten hours of sleep a day. I force myself for my mental health. I take very good care of my mental health and wellness all over.
“I’m very conscious of my health kasi I do a lot of work. I do a lot of thinking. :alo na ngayon, di lang ako talent, producer din ako.
“It takes a toll on your health. So, if you don’t take care, talagang marami ang magsa-suffer.
“Pero I’m very happy to make contribution in people’s lives at the time in the pandemic that they needed it most and to make a contribution in the industry ngayon na parang ginagapang pa natin ulit ang normalcy,” pahayag ni Korina.
Makakasama nga pala ni Korina sa “TikTalks” sina Alex Calleja, Kakai Bautista, G3 San Diego at Pat-P Daza na magsisimula na sa December 3, sa TV5 at Cignal TV.
Related chika:
Mga anak ni Korina Sanchez nag-field trip sa talyer: The twins are into pagmemekaniko
Korina Sanchez hindi pa rin sanay matawag na ‘tita’, nakasama ang KathNiel sa El Nido
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.