Maja Salvador namaalam na sa ‘The Iron Heart’; ‘An Convenient Love’ kumita na ng P10M
NANG isulat namin dito sa BANDERA na patapos na ang “Oh My Korona” TV series ni Maja Salvador ngayon sa TV5 at baka puwedeng i-extend ang pagiging ‘special participation’ niya sa “The Iron Heart” series ni Richard Gutierrez ay ilang beses itong ni-retweet ng supporters ng aktres.
At nag-post ding ang ilan na sana mga huwag munang mawala si Maja sa “The Iron Heart”.
Pero hindi na mangyayari ang kahilingan ng supporters ng aktres dahil kagabi, Biyernes ay namaalam na ang karakter ni Maja bilang si Cassandra dahil binaril siya mismo ni Albert Martinez bilang si Priam dela Torre o Engineer.
Pagkapanood kay Maja na nagpaalam na siya kay Apollo (Richard) ay saka siya nag-tweet.
“Thank you Kapamilya! Thank you @StarCreativesTV
sa pagtitiwala sa akin na gampanan ko si Cassandra! Hanggang sa muli! Paalam Cassandra! #TIHCassandra #TheIronHeart.”
Ang sipag-sipag mag-promote ni Maja ng The Iron Heart simula nang magsimula ito two weeks ago. Siyempre sabay din ng pag-post niya ng sitcom niyang Oh My Korona sa TV5.
Speaking of The Iron Heart ay masaya ang Star Creatives team dahil sa magandang feedbacks na nababasa nila sa social media at household topics ito gabi-gabi.
View this post on Instagram
* * *
Abot tenga ang mga ngiti ng Team “An Inconvenient Love” dahil umabot na sa mahigit P10M ang sales ngayong araw, Sabado.
Matatandaang umabot sa mahigit P6M sa unang araw ng pagpapalabas ng pelikula nina Donny Pangilinan at Belle Mariano kaya sobrang tuwa ng buong TEAM dahil pagkalipas nang dalawang taon ay ang “An Inconvenient Love” palang ang kumita sa mga sinehan.
Post ng Star Cinema sa kanilang Instagram account, “10 MILLION THANK YOUs TO ALL OF YOU! Thank you for joining us in our comeback in cinemas! We are grateful to each one of you.
“Thank you for joining us in our comeback in cinemas! We are grateful to each one of you! First weekend na po ng #AnInconvenientLove!!! Don’t miss out on this TRENDING MOVIE at makisama sa nakakakilig na usapan sa social media! Let this Star Cinema movie be your weekend ganap with your friends, fam or jowa! Kitakits!”
Abut-abot din ang pasalamant ng DonBelle sa mga nanood ng pelikula nila.
Noong wala pang pandemya kapag nagtala ng P6M ang sales ng pelikula ay considered itong maliit dahil nga ang uso noon ay P10M pataas.
Pero ngayong panahon ng pandemya ay talagang sobrang laki na ng P6M at baka nga ito na ang kabuuang gastos sa pelikulang idinirek ni Petersen Vargas na tagumpay ang una niyang mainstream project.
Nitong nakaraang Huwebes ay nag-post ang StarCinema head na si Kriz Gazmen, “Despite all the inconveniences, the moviegoers still showed up for us. There is hope for the local film industry. My dear God, thank You for making this happen.”
Related Chika:
Maja Salvador may chance nga bang ma-extend ang special participation sa ‘The Iron Heart’?\
Kyle Echarri, Maja Salvador, Richard Gutierrez puring-puri sa pag-arte sa ‘The Iron Heart’
Kaya bang isakripisyo nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang love para sa kanilang pangarap?
DonBelle lumelevel na rin sa KathNiel, Ogie Diaz umaasang magkatuluyan ang dalawa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.